Chapter 22

1.9K 108 11
                                    

[Mitch's House]

I parked the car at pumasok na kami sa hideout. Mitch is still nowhere to be found.

Ipinasok namin si Fire sa kwarto niya. Maxim went to grab the medicines at umalis din si Izumi dahil kanina pa daw siya gutom.

Naiwan kami ni Fire.

Umupo ako sa sofa. Nakahiga naman ito ng nakabaliktad. Minor injury lang naman yan kay Sunog. Bukas okay na to.

"Hindi naman talaga ako sinaktan ng baseball bat. I had to act."
Sambit ni Sunog.

"We know." Sulpot ni Max sa pinto.
"You still need to be treated."

Tumayo si Fire at pumunta sa banyo para maligo.

"Care to share?" Tanong ni Max sa akin pag-upo niya sa tapat ko, sa dulo ng higaan ni Fire.

"Hmm?" maang ko.

Inikutan niya ako ng mata.

Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Izumi. Itinuro niya ako gamit ang tinapay na hawak niya na may kagat na. May hawak din itong nakabasong gatas.

"You. Pinag-isipan ko itong mabuti kanina and I was right! Wala kang leather jacket na ganyan."
Diretso siyang tumabi sa akin at inamoy ang suot ko.

"Men's perfume."

Lumayo ako sa kanya ng konti.

"Tumigil ka Zumi. Oo hindi sa akin to. Kay--"

"Hindi rin sa mga kapatid mo iyan Vii. The scent is different." Singit ni Izumi at kumagat ulit sa tinapay niya.

"LET ME GUESS! IS IT THAT MASTER Z?" Sigaw ni Fire mula sa banyo.

"Master Z? Sino yun?" Tanong ni Izumi.

"Ang may-ari sa Verrero Mafia."
Sagot ni Max sa kanya.

"I KNEW THAT CAR WAS FAMILIAR! BINIGAY NIYA SAYO? SO NAGKITA KAYO KANINA." Sigaw ulit ni Fire.

"So you're flirting with your brothers' boss?" Izumi faked a gasp and laughed.

"Sabi ko na nga ba! May nabubuong relasyon sa inyong dalawa. Wow Vii! You managed to flirt with two guys in just a day. A night pala--"

Hindi ko na napigilan at hinagis ang sapatos ko sa kanya. She barely caught it. Kita ang gulat sa mukha ni Maxim.

"Let me speak okay."

"Okay speak." Lumabas si Fire mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok.

"Muntik ko nang makasalubong sina kuya kanina--"

"And Zaver saved you from it?" Tuloy ni Fire sa sasabihin ko at umupo sa floor sa harap ni Maxim. Hinanda naman ni Max ang healing oil.

"Parang ganun. And about sa car. I stole it."

Natigil sila sa ginagawa nila at napatingin sa akin.

"What?"

Nagtinginan sila at nagtawanan.

"Ninakaw mo? That car and the jacket? Vii that's so cool! Ninakawan mo ang boss ng mga Verrero!"

Hindi ko na aaminin ang tungkol sa jacket.

Natigil ulit ang tawanan nang bumukas ang pinto.

"Anong nangyayari dito?" Mitch.

"Anong nangyari sayo?" Balik tanong ni Max kay Mitch na kararating. Hindi na siya nakasuot ng taekwondo uniform. Sinulyapan ako ni Mitch and I immediately understood na nahihiya siya.

"Care to share?" Tanong ko sa kanya na katulad ng tono ni Max kanina. We are already teasing her with our stares and smiles. Mitch sighed at humiga sa higaan ni Fire.

"Sinigurado lang niyang okay ako." Mitch.

Nasamid si Izumi sa iniinom niya. We didn't expect the straightforward answer.

"Ibig sabihin ba non may lovelife ka na?"

"No Max."

"Wala kang planong sagutin si kuya Ace?" Tanong ko.

"Vii...." she sighed.

"I don't know. I'm having the 'what ifs'. What if nalaman niya ang tungkol sa atin. What if magalit siya? What if hindi na nila tayo tanggapin."

Umupo si Mitch mula sa pagkakahiga at hinarap kami.

"Kanina, iba ang tingin niya sa akin. Ang daming mga tanong sa mga mata niya. I think he's starting to sense something about you Vii. Lalo na nung magtanong siya tungkol sa kung paano ba talaga tayo nagkakilala. Nabago ko ang usapan but that doesn't change the fact that I might've given him hints about us. It's my fault Vii. I'm sorry."

Hinintay ng tatlo ang isasagot ko kay Mitch.

"Mitch it's okay. Whether they find out or not, sooner or later, malalaman din naman nila. Just go with the flow. I want kuya Ace to be happy. I want you to be happy...

Gosh this is cheezy. Pero sasabihin ko sayo, wag mong hayaan na etong trabaho natin ang sumira sa relasyon niyo. Make your own decisions. You can just reveal us to him if you needed to. It's okay. Right?"

Tanong ko sa tatlong 'nakikinig.'

"Ah oo oo if you say so." Sagot nila na may sariling ginagawa.

"See?"

Mitch nodded.

Tumayo na ako at pumunta sa sarili kong kuwarto dito sa bahay nina Mitch at naligo.

Pagkalabas ko ng banyo, nakuha ng itim na leather jacket and atensyon ko. Naalala ko bigla ang scenario namin kanina.

I shook my head and covered my face with my hands.

Ba't ba iyon ang naiisip ko.

Hinintay kong ma-dry ng kahit konti ang buhok ko bago ako humiga sa kama at natulog.





Nagising ako sa ring ng cellphone. Kinapkap ko ang cellphone at sinagot nang hindi tinitignan ang caller.

"Vii...ba't di ka pumasok? Nasaan ka?"

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon