Chapter 21

1.9K 125 7
                                    

Naestatwa ako at hindi alam ang sasabihin. Mabuti na lang at umingay ang cellphone niya.

Sinagot niya ang tawag habang nakatingin pa rin sa akin.

"Master Z. May anim na patay, apat na nag-surrender at 49 na sugatan. 42 ang naka-tanggap ng black card."

"An injured received a black card?"

Di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng iba. Ang tanong agad sa isip ko ay 'sino?'.

"Who?" Zaver.

Bumalik ang tingin ko kay Zaver na nakatingin pa rin sa akin.

"Babae Master Z. Pinagtulungan siya ng isang grupo ng tatlumpong katao nang makita ang kakayahan niya. Natalo niya na ang mga iyon ngunit hindi siya nakaligtas sa isang baseball bat."

I felt tensed.

"I said who?" Seryosong tanong ng kaharap ko.

"Eto na Master Z nahanap ko na. Fire DeSimone ang pangalan."

Oh bullet!

I immediately ran out of there.

Pagdating ko sa tunnel ay nagsisilabasan ang mga estudyante doon na puro sugatan. May mga tinutulungan ang kasama nila at meron ding umiiyak. I blended in and sinubukang hanapin ang apat.

"Vii, here!" Rinig ko ang mababang boses. It was Izumi who also blended in. Katabi nito si Max na inaalalayan si Fire.

"Si Mitch?" Tanong ko nang hindi ko siya makita.

"Ace dragged him somewhere before we could even touch her." Sagot ni Max.

"Sumunod kayo sa akin." utos ko.

Nagtago kami sa isang room malapit sa pintuan papuntang basement. Tinignan ko ang oras at alas tres na ng madaling araw.

Hinintay naming makaalis ang lahat ng van bago kami bumaba.

"Vii? Ano bang plano mo?" Fire.

Inilabas ko ang susi mula sa bulsa ng leather jacket. Pinindot ko ang button at nakarinig kami ng tunog mula sa magarang kotse na kulay abo.

Nagulat ang tatlo at binigyan ako ng litong ekspresyon. Sabay sabay din nila akong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Woah woah woah! Paano mo nakuha ang kotseng ito? And is that jacket even yours?" Max exclaimed.

"Vii tell us. We need explanation."
Izumi na may seryosong tono.

"I also want to ask something but oww! We have to get out of here."

Fire na hawak hawak ang balikat.

"Later. Umalis na muna tayo dito."

Sumakay na nga kaming lahat and we drove away with Zaver's car. Bahala na pag nagkita kami ulit.



[Third Person's POV]

Dumiretso ang mga Verrero except Ace sa opisina ni Master Z pagkatapos ng labanan.

"Aah...that was the most entertaining ever." Ngiting ngiting sabi ni Kei na komportableng umupo at ipinatong pa ang mga paa sa lamesa.

Tahimik lamang sina Race, Trace at Chaz pati na si Zaver na tahimik lang at may ginagawa sa laptop niya.

"Yeah akalain mo yun. Iisang babae ang sinunggaban ng 30 na tao at natalo pa sila. And to think na nakasuot pa iyon ng eleganteng damit and my first impression on her is napaka-vulnerable niya. Looks can be deceiving nga naman talaga."
Pagsasang-ayon ni Ryuu.

"Pero hindi ba't kaibigan iyon ng kapatid niyo Ly's? Asan nga pala si Ace?" Tanong ni Cree sa dalawang Ly's na tahimik sa tabi.

That's when Kei and Ryuu realized something. Nahulog si Kei sa upuan niya nang subukan niyang umupo ng maayos.

"Oo nga. At ngayon ko lang naalala. Yung Mitch ni Ace is also a no joke. I saw her with her taekwondo uniform and she did proved her uniform. Ang dalawang babaeng iyon ay magaling na fighters. But what about your sister Ly's? Hindi ba't sabi niyo magkakasama sila ng pinasukan na eskuwelahan sa ibang bansa?" Kei.

Bilog na bilog na ang mata ni Kei na nasa harap na ng Ly's. Kahit si Chaz ay hinihintay magsalita ang dalawa sa triplets.

Lumipad ang isang libro pero naprotektahan ni Kei ang mukha niya.

"Stop that nonsense Kei. Kaya nga wala ang kapatid namin dito dahil hindi siya qualified. We never ever thought she could be chosen here and we were right." Sabi ni Trace.

Napaikot ang tingin ni Trace at nagulat nang makitang nakatingin sa kanya si Zaver.

Sinundan nila ang tinitignan ni Trace at sila rin ay nagulat. Ngayon lang nagpakita ng interes si Zaver sa usapan nila dahil ni minsan ay hindi niya pinapansin anuman ang pinag-uusapan ng mga lalaki.

Tiningnan sila ni Zaver isa-isa at napa-ubo. "Are you done talking? You can go away. Chaz, contact Mr. Sy to bring me a car."

Mas nagulat na naman ang mga lalaki. Sunod sunod na naman ang mga tanong nila.

"Hindi ba't gamit mo ang kotse mo?"
"Oo nga. Saan nagpunta ang kotse mo?"
"Iiwan mo ba dito yung isa?"
"Ba't naman niya iiwan dito?"
Tanong ni Trace sa tanong ni Kei.

"Okay. Alis na ako." Sambit ni Chaz at lumabas na ng office.

Tumayo na rin ang iba. Napansin naman ni Cree ang tulalang si Ryuu.

"Ryuzaki, maiiwan ka ba?" Cree.

Bumalik sa wisyo si Ryuu at naglakad na rin paalis ngunit bago ito lumabas ay napatingin pa siya kay Zaver na nasa harap pa rin ng laptop niya.

'Master Z...nahulog ka na ba talaga sa kapatid ng Ly's?'

Tanong ni Ryuu sa kanyang sarili. Inilabas niya ang cellphone niya at nakitang marami na namang deleted na footage.

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon