Chapter 36

1.9K 88 14
                                    

[Zayumi Violet's POV]

After that dinner, days went by smoothly. Walang mission, walang ano ano. Pumasok kami sa mga klase like a normal student would do. Hindi na namin masyadong nakikita ang kahit na sino sa mga Verrero. Sa pagkakarinig ko lang, busy sila ngayon.

Us? We're not making any move just because we have nothing to do, ito ang mga panahon na nagpa-plano lang kami. We are also tracking down Aguilar and his son.

Nananahimik ngayon ang mga Mizushima kaya pinaghahandaan din namin sila. Siguradong aatake ang mga iyon kapag handa na.

Actually, isang week pa lang ang lumipas.

At hanggang ngayon pinipilit ko ang sarili kong huwag 'siyang' hanapin.

Kararating ko ngayon sa main library which is located here sa kabilang wing.

Naghanap ako ng table at kaswal na umupo. Pagkababa ko ng bag ko ay sabay naman ng pagbaba ng libro ng nakaupo sa harap ko.

Oh?

Papogi talaga to. Oo may itsura si Four pero yung itsurang nakakairita. Yung gwapong laging may special treatment. Nakakairita talaga.

Napadako sa akin ang tingin niya pero bumalik din sa librong hawak niya. Nang maalala niya siguro ako ay tumingin ulit sa akin. Nagulat siya pero ngumiti rin ng sobrang lawak. Yan na naman ang kanyang perpektong ngipin.

"Vii? Naligaw ka."

Hindi ko siya sinagot bagkus hinila ko ang libro na kinuha ko at nagsimulang buklatin.

Napailing si Four at tumayo mula sa kinauupuan niya at tumabi. At imbes na umupo ng maayos ay nakaharap siya sa akin.

Ibinaba ko ang libro at tinignan siya ng masama.

"Naiinis ako sayo Kuwatro or Tres or Dos."

"Ouch!"

Umakto siyang parang nasaktan sa puso ngunit natawa din.

"Di mo man lang ako maalala. Haha. Bakit ka pala naparito? Para makita ako?"

Sabay hawak sa mukha niya.

"Manahimik ka. Ni hindi ko inisip na mapaparito ang isang basketball player."

Sumingkit ang mga mata niya sa akin.

"Are you stereotyping us?"

Tinitigan ko na lang siya ng masama.

"Anyways...musta ka na?"

Nang wala siyang mahintay na sagot ay sinagot niya ang sarili niya.

"'Aah ayos lang naman. Ang ganda ng araw ko' ...'Ah ganon ba? Oh lunch na pala gusto mo kain tayo?'...'Sure!"

Ano bang pinaggagagawa nito?

Tumingin ulit siya sa akin na may ngiti sa labi.

"Tara?"

Huh?

Bago pa ako makasagot ay inayos na niya ang gamit ko, linagay sa bag at hinila ako palabas ng library.

I just let him. Kasi nagugutom na din ako.

Tinungo namin ang canteen at heto na naman ang tinginan ng mga tao. Lalo na nang makapasok kami sa canteen. Nakakairita.

Nang makapila kami ay kumuha siya sa mga may tray at binigyan ako. Kumuha din siya ng kanya.

Then we ate in silence.

Nang makagitna kami sa pagkain ay sinimulan ko na siyang obserbahan. Sa una pa lang, eto talaga ang plano ko. Gusto kong malaman kung saan tong Four na to nabibilang. Kung miyembro ba siya o hindi.

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon