Chapter 26

1.8K 121 6
                                    

[Verrero Building]
[Third Person's POV]

Nasa meeting area ang mga Verrero at nag-uusap usap. Pinag-uusapan nila ang mga susunod na mga transactions nila.

Nakaupo ang lahat sa harap ng bilog na lamesa. Seryoso ang mga ito nang biglang bumukas ang pinto. At pumasok si Kei.

Sanay na sila sa pagiging late ng lalaking ito kaya bumalik ulit sila sa ginagawa nila.

Si Kei naman ay tahimik na umupo sa pwesto niya pero parang may gustong sabihin.

Sa malayo ay napansin siya ni Zaver. Inobserbahan niya si Kei hanggang sa makaupo ito.

"Kei." Pagkasabi non ni Zaver ay natigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Napunta ang tingin nila kay Zaver at sa tinitignan nito na si Kei.

"Uhm. Bakit?" Ngiting tanong ni Kei.

"Say it." Zaver ordered na agad namang sinunod ni Kei.

"Hindi kasi to related sa atin kaya di ko na sana sasabihin kaso...."

"What is it?" Tanong na ni Chaz.

Tumayo si Kei at sumandal sa table na parang may ichi-chismis.

"Pinasabog ang base ni Carmen kagabi."

Nag-react ang lahat na parang hindi sila naniniwala.

"But it's true! Sinigurado pa ng mga umatake sa base na iyon na patay si Carmen. Binaril muna siya sa ulo bago pinasabog ang lugar. Dude I wish I could've watched that." Kei.

Medyo nakumbinsi sila pero ang reaksyon ni Zaver ang hinanap nila.

"Time?" Zaver.

"Around 1 am. Z, may idea ka ba kung sino?"

Hindi na sumagot si Zaver.

"So someone's trying to execute the Mizushimas?" Tanong na rin ni Trace.

"Yes and I'm deadly sure na hindi kagagawan iyon ng ibang mafia. Ayon sa narinig ko, napakatahimik ng paggalaw ng mga umatake. Ni walang nakapansin hanggang ang naging hudyat na lamang ng pagsabog ay ang pagkabaril ni Carmen." Tuloy ulit ni Kei.

"If not the mafias, then who, Kei?"

"Maybe assasins? I don't know pero hindi talaga iyon gawa ng mafias. If it's from the other mafias then we would surely know but this one is different."

"Pag-usapan na lang natin iyan mamaya. We have other things to discu--" Naputol ang sinasabi ni Trace nang magsalita si Ryuu.

"Hindi kaya gawa iyon ng mga guilds?" Ryuu.

Napatingin ang lahat kay Ryuu pati si Zaver. Nalito naman ang triplets.

"Anong guilds?" Sabay na tanong ng Ly's.

"Guilds. Hindi niyo alam iyon? Ly's naman! They are formed agents. And they definitely focus on underground cases. Marami ng disturbances ang kagagawan ng mga Mizushima sa city kaya there is a high possibility na tinutugis na sila ng mga guilds. Z, ba't di mo tanungin si Kael."

Bumalik ang tingin ng lahat kay Zaver.

"Sino naman si Kael?" litong tanong ni Ace.

"Enough with that. And Kael and his guild had been inactive since that time." Sagot ni Zaver at tumayo paalis ng meeting area.

"Wait wait anong nangyayari. Sino si Kael at ano ba yung guilds na tinutukoy niyo? Siya ba yung pinsan ni Zaver? Di ba Kael ang pangalan non?" Cree.

"Oo nga!" sang-ayon ng triplets.

Ipinaliwanag naman ni Ryuu kina Ly's at Cree ang tungkol sa mga guilds at tungkol sa pagiging miyembro ng isang guild ni Kael.

"May mga guilds palang nage-exist?" Gulat na tanong ni Race.

"Oo, Race. Pero ang iniisip ko ngayon. Kung inactive sina Kael. Sino ang umatake sa base ng mga Mizushima?"
Tanong ni Ryuu pero siguradong walang makakasagot kaya nagtuloy na lang ang lahat sa ginagawa nila.

Dumiretso naman si Zaver sa sariling kuwarto niya sa Verrero Building at hinarap ang kaniyang laptop.

Hinanap niya ang location ng lahat ng mga base ng Mizushima maliban sa base ni Leon Carmen.

Napahawak siya sa baba ng kanyang labi nang mahanap ang mga ito.

Ang isa ay sa isang liblib na lugar. Ang isa ay malapit sa dagat. At ang main base nila ay sa sariling isla ng mga Mizushima.

Napunta sa lokasyon na malapit sa dagat ang mga mata ni Zaver at isang pangalan ang nabigkas niya.

"Yana Hiromitsu..."

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon