Chapter 55

1.5K 85 2
                                    

"May iba akong kutob. Wala akong ma-detect na buildings sa buong isla. Itong isa lang na nasa gitna mismo ng isla. It's a juat three-storey building. This can't be the laboratory."

The Volkovs already investigated every location connected to Raegan Montañoza and they never found any laboratory.

Which this island is perfect for.

If there's only a three-storey building in this island then it could be...underground.

"It might be underground, isn't it?" tanong ni Chaz.

"I'm thinking exactly the same." I gritted my teeth and watched how they dragged out Vii from the car to that building. This pains me. A lot. She's there and I'm here.

Ughh!

I can't help but groan in frustration. I closed my eyes to calm myself until I felt a squeeze on my shoulder. It was Trace.

"Let's get ready."

I nodded and we went to equip ourselves. I called every Verrero into action.

I will remember those people's faces. People who drugged and carried her around. Including that Abednigo!

We're coming Vii.

I'm coming. Please be safe.



[Zayumi Violet's POV]

I ran and ran and ran. They were chasing me. They caught me once and I was able to escape pero dahil underground building ito, madali lamang nila akong nahahanap.

Marami din ang security cameras kaya mas napapadali pa lalo ang paghahanap nila sa akin.

As I was running, I swiftly turn into a corner. Narinig ko ang mabilis na takbo ng mga humahabol sa akin. I even stopped my heavy breathing in case they hear it.

Nang mawala ang mga yapak ay hinabol ko ang hininga ko. I brushed a hand on my hair and thought of what to do next. Siguradong pinapanood nila ako ngayon through the security cameras.

I was about to leave in my position when a hand grabbed me by my hair. Hinarap ko sya, ang kamay niya ay nasa buhok ko.

Vernon Aguilar!

Tumaas ang gilid ng labi niya bago sumigaw.

"NANDITO SIYA!"

Sigaw niya habang nakatingin sa mga mata ko. Mabilis kaming napalibutan ng mga tauhan ng Guirrero.

Hindi na ako nakaresponde dahil naubusan na ako ng enerhiya upang lumaban. Mabilis nila akong itinali at pinagtutulak paalis.

"Kung ako lang ang masusunod babaeng Arkazel, patay ka na ngayon. Pero kailangan pa rin ang kaalaman mo sa Imperium kaya't maging masunurin ka na lang." pagsasalita ni Vernon sa gilid habang nakasunod sa akin at sa mga nakahawak sa akin.

Napunta sa kanya ang paningin ko. Naguluhan si Aguilar nang makitang nakataas ang gilid ng labi ko.

"Ba't di mo na lang ako patayin. Hindi mo pa rin ba alam na ako ang pumaslang sa babae mo?"

Napatigil ang matandang lalaki sa paglalakad kaya't huminto rin ang mga nakahawak sa akin. Hindi ito makapaniwala nung una at malalim na napaisip bago nagsalita.

"Anong sinabi mo!? Ikaw!? Ikaw ang pumatay kay Yana???" humahangos na siya sa galit nang isigaw niya iyon.

"Bitawan niyo siya!" utos niya sa mga Guirrero. Binitawan naman ako ng mga ito kaya agad akong napaluhod. Lumakad papunta sa mismong harapan ko si Vernon Aguilar at sinuntok ako sa pisngi.

Binalik ko sa kanya ang tingin ko at dinuraan siya. Nagkalat ang dugo ko sa mukha niya. Mas nagalit pa siya at susuntukin pa sana ulit ako nang maka-receive ang mga Guirrero ng utos mula sa earpiece nila.

Agad nilang pinigilan si Vernon na nginitian ko pa bago nila nilayo sa akin.

"Kailangan na daw siyang dalhin doon." sabi ng isang Guirrero kay Aguilar.

Hinila ulit ako ng mga Guirrero at napunta kami sa isang malaking pinto. I'm guessing this is the lab.

May guwardiya sa labas nito at siya ang nagbukas gamit ang I.D niya. Unti-unting tumaas ang metal na pinto.

Napabuga ako ng hangin nang makita ang loob nito. Malawak na lab, maputi, malinis at maraming division. Andami nilang budget.

C'mon, focus Vii.

Kinaladkad ako ng mga Guirrero papunta sa pinakaharap kung saan may stage. At sa stage na iyon, nakatayo sina George Buartera, Rachel Abednigo, sekretarya ni Raegan na yung William at ang sugatan na si Raegan Montañoza. Tumabi naman sa kanila si Vernon Aguilar na galit pa rin ang ekspresyon.

Binitawan ako ulit ng mga Guirrero kaya't natumba ulit ako ng paluhod. Linapitan naman ako ni Montañoza at tinapatan.

"Just give up Arkazel. Kasi hindi ka makakaalis sa lugar na ito ng walang pahintulot ko. And I'll forgive you for what you have done to my face unless...you tell me where it is."

Inilahad niya ang kamay niya palikod at agad namang gumalaw ang sekretarya niya at ibinigay sa kanya ang isang maliit na kahon.

Binuksan ito ni Reaegan at pinulot ang dalawang kuwintas.

"Ahh finally! Nasa kamay ko na ang susing matagal na nawala mula sa akin."

'As if that's yours!' I glared at him.

Binuo niya ang dalawang susi hanggang sa iisa na lang ito.

The key has become one...but in the wrong hands.

Tumawa ang matanda at abot langit pa ang ngiti. If my hands are free, I would---ughhh!

"Kalma Arkazel. Now, just tell me where it is."

This time, ako naman ang napangiti. Good thing wala talaga akong alam. They could kill me now and they would never find it.

"Pakawalan mo muna sila." tukoy ko kina Dad at Race.

Nawala ang ngiti ni Raegan at tinawag ang sekretarya niya.

"William!"

Binuksan naman ng huli ang hawak-hawak nitong laptop. May pinindot pindot siya bago niya hinarap sa akin ang screen nito. It was my Dad and Race in different rooms through security cameras.

Lumala ang galit ko sa nakita kong sitwasyon ng dalawa. Kita ang malungkot na ekspresyon ng ama ko habang walang malay na nakahiga si Race.

"We will, Violet. If...you tell us where it is! Now, WHERE IS IT!?"

Malakas niyang pinisil ang panga ko. Buong lakas ko naman na ibinaling ang ulo ko kaya't nabitawan niya rin ako.

I have no choice. I have to buy time. I have to gamble.

"Hindi mo pa pala kilalang mabuti ang laboratoryo mo." saad ko sa kanya kahit nagpapanggap lamang akong alam kung para saan ang susi.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Raegan.

"Nasaan ang storage room?" balik-tanong ko sa seryosong tono. I know I'm digging my own grave but I have to act believable.

Tinignan nila ako nang may pagdududa.

"Ang sabi ko! Nasaan ang storage room!?"

Bago pa may sumagot sa akin ay nakarinig kami ng alarm. Biglang may pumasok na tauhan ng Guirrero at mabilis na tumakbo sa direksyon namin.

"Master Raegan! May mga paparating, nakuha ng radar!"

They're here.

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon