Chapter 40

1.8K 114 7
                                    


Umalis kami sa airport at pumunta sa isang restaurant. A garden-inspired restaurant wherein ang bawat table ay magkakalayo at may iba't-ibang setting for privacy purposes.

Unang nagsalita si Kael.

"What you did was so obvious that I knew it from the start. But these two fools contacted me to know what happened."

Sabay siyang tinignan ng masama ng dalawang lalaking katabi niya.

I gave a signal to the girls na pwede silang magsalita. Ganito sa mga guilds, permission from the higest ranking agent is with the utmost importance.

"You knew?" Fire asked.

"Oo. But don't worry...I still reported sa mga Verrero." Sagot ni Kael sabay taas baba ng kilay niya.

"Bakit niyo ba yun ginawa in the first place?" tanong ni Van. Doon naman dumating ang na-order na pagkain.

Kami naman ngayon ang napatingin kay Devlin.

"For fun?" Sagot ng huli. "None of your concern." tuloy niya.

Susubo na sana sina Kael at Izumi pero biglang nagsalita sa seryosong tono yung Gio.

"None of our concern!? We got worried Dev. Damn worried. At paano mo yun nagawa na hindi kami ang kasama mo?"

Ibinaba ng dalawa ang mga kutsara nila.

Iinom din sana ng tubig si Mitch pero hindi rin natuloy dahil sumagot si Devlin na katabi niya.

"Bakit? Nasaan ba kayo simula nung nangyari yun? Hindi ba't kayo ang lumayo? And did you know what I felt? I felt left out. Gio, I never heard of you since then. Ikaw Van, you never contacted. And Kael...you're acting as if nothing happened...."

Patuloy lang si Devlin sa mga sentiments niya habang parang mga batang pinapagalitan ang tatlong lalaki.

"Tanong ko lang kung bakit pa tayo nandito?" Izumi whispered beside me.

"Wala. Kumain na lang tayo." Mitch.

Patuloy lang ang Kinghawks sa pag-uusap habang kami ay nagsimula ng kumain.

Nang malapit na kaming matapos ay napunta sa amin ang usapan. Sa paninimula ni Kael.

"I have never seen Z worry like that. Isa din yung si Chaz. Nawala ang coolness nila nung ni-report kong nag-crash ang helicopter niyo." Sabi niya sabay tawa ng malakas.

"Vii you should do that more often. I wanna see that worried face every day."

"Wait...may girlfriend si Chaz sa kanila?" Tanong ni Gio na bumaling kay Kael. Hindi ito makapaniwala.

Nasamid naman si Maxim. Sabay siyang binigyan ng tubig nina Fire at Kael. Tinanggap ni Maxim yung kay Fire dahil siya ang katabi nito.

"Ikaw?" tanong ni Gio sa nasamid na Maxim.

Hindi naman alam ng huli ang isasagot niya.

"You should be more careful then. Kilala ko si Chaz. Cold but a keeper. I doubt na hindi pa niya alam kung nasaan ka ngayon. Ganun din si Z." Seryosong saad ni Gio.

"Kapag nagalit mga yun. Sabihin niyo kasalanan to ni Kael." singit ni Van.

Sunod naman na nasamid si Kael.

"HA? Ba't ako?"

"Kael ikaw naman talaga. They did it for fun pero binago mo ang istorya kahit alam mo kung anong nangyari."

Van said then smiled. Napamura naman si Kael.

"Edi makikitulog muna ako sayo Gio. Mahirap na...kapitbahay ko si Z."

"Paano ang triplets?" tanong ko kay Kael.

"They all figured it out eventually. Nalaman nila na you went on a mission pero hindi nila alam na ginawa niyo iyon on purpose para hindi nila kayo masundan. They calmed down nung nalaman nilang buhay pa kayo." sagot niya at ngumiti din ito.

Nang matapos kaming lahat kumain ay naghanda na kaming umalis.

"By the way Vii...nalaman ni Mr. Arkazel ang nangyari."

WHAT? I gasped very loud.

Bullet Kael! Ba't ngayon mo lang sinabi??

"Pero wag kang mag-alala. Nandun naman si Z para pakalmahin siya. Dun ko lang din nakita si Z na nagmukhang sunod-sunuran. Siya mismo nagrereport kay Mr. Arkazel ng progress sa paghahanap sa inyo. Hahaha. Naging walang silbi tuloy ang mga kapatid mo."

"Kung ganun kailangan na talaga nating umuwi."

Naghiwa-hiwalay kami dun. Si Izumi ay sinundo ni Linda. Sumakay sa iisang kotse ang Kinghawks kasama si Devlin.

Bago pa ako makasakay sa van ay naka-receive ako ng SMS.

Gray-eyed devil: 'Stay there.'

"Oh Vii. Sakay na!"

"Uhmm..magpapaiwan pala ako dito. Mauna na muna kayo."

"May susundo sayo? Okay." Fire.

"Ako din."

Sabi ni Maxim na nakatingin sa cellphone niya. Bumaba ito mula sa van at tumabi sa akin.

"Mag-ingat kayo." sabi ni Mitch at sinara na ang pinto.

Ilang minutos pagkaalis ng van ay may magkasunod na kotseng dumating.

"Hindi ba sila aware sa carpooling?"

Mahinang komento ni Maxim sa tabi ko.

"Mga show-off." komento ko rin.

Sabay na lumabas sa mga kotse nila sina Chaz at Zaver. Nagkatinginan pa ang dalawa bago sabay na lumapit sa puwesto namin.

If you thought they would do something sweet. You're wrong.

Tumayo sila sa harap namin with their arms crossed. One is pouting while one's eyebrow is up. Sama pa ng tingin.

I also crossed my arms na tinularan din ni Maxim.

"Ano?" tanong ko sa maangas na tono.

Chaz snorted.

"Anong tinatawa tawa mo?" tanong naman ni Maxim sa maangas din na tono.

"Your dad is waiting for us."

Napatayo ako ng maayos sa sinabi ni Zaver.

"Don't ever play this kind of game again." Chaz said in a warning tone.

Hindi makasagot si Maxim kaya nag-pout na lang.

"Sakay." Chaz.

At wala na ngang nagawa si Maxim. Tahimik silang sumakay sa kotse.

"You too."

Sabi ng kaharap ko at nauna sa kotse. Binuksan niya muna ang passenger seat bago sumakay sa driver's.

Hinatid niya ako sa bahay at sa pag-aakala kong aalis na siya ay tinabihan niya ako sa harap ng pinto at nag-ayos.

"Di ka uuwi?"

"I told you..."

Naalala ko ang sinabi niya kanina.

'You're dad is waiting for us.'

US??

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon