Chapter 16

2K 151 4
                                    


Bumalik naman ang interes ng lahat sa sinabi ni Ryuu.

Ang tinutukoy niyang 'sila' ay ang mga nararamdaman nilang tumutulong sa kanila tuwing may transaction.

Bilang na bilang nila kung ilan ang nakapaligid sa kanilang mga tao tuwing nagkakaroon sila ng transaction pero naguguluhan na lamang sila kung paano lagi na lang unti-unting lumiliit ang bilang ng mga ito pagkatapos ng ilang minutos lamang.

Marami din silang napapansin.

Alam nilang may ibang presensya bukod sa kanila kaya malakas ang kutob nila na may laging nakaback up sa kanila tuwing may labanan na nangyayari.

Napailing si Trace.

"You have no basis Ryuu."

Tinaasan lang siya ng kilay ni Ryuu.

"They're subtle and quiet Trace. Hindi sila katulad ng ibang spies na sumusunggab agad kapag nakakuha ng tiyempo. They just go around the school every night. No noise. No crime."

"What about that buartera spy slash plumber guy?" Tanong ni Cree.

Tinignan lamang siya ng lima dahil alam ng lahat na kagagawan iyon ng mga student council at siya lamang ang hindi nakakalam. Wala kasi siya sa mga oras na iyon.

"San ka ba kasi nagpupupunta? Manahimik ka nga!"

"What...Syempre di ko alam ang nangyari. Wala nga ako di ba."

When Cree and Race were bickering, nagsalita naman si Zaver.

"Don't bother figuring out who they are. I already know them."

Hindi naman makapaniwala ang anim kay Zaver. Hinarap siya ng mga ito. Sunod sunod ulit ang mga tanong ng mga lalaki.

"What? Alam mo!? Sino??"

"Noon pa kami gulong gulo tas alam mo naman pala! Sino sila??"

"Wait! Pano mo naman alam eh ikaw yung wala dito nung mga panahon na iyon."

Natigil sa kakatanong ang lahat sa sinabi ni Ryuu. Tama siya dahil sa mga panahon na iyon ay nasa London ang Master nilang si Zaver.

Hinintay naman nilang lahat ang sagot ni Master Z.

Zaver moved his eyes from the book he's reading at tinignan ang lahat.

"Because you are all slow-witted."

He teased then smirked at bumalik na sa binabasa.

Mas lalong hindi makapaniwala ang mga lalaki sa sinabi ng boss nila.

Kung hindi lang ito ang master nila ay kanina pa nila ito inulanan ng suntok.

Kaya walang nagbalak na sugurin siya o kahit hawakan man lang dahil mas takot sila rito kaysa sa mga anino na nakikita nila.

"Seriously Z sino sila?"

Seryosong tanong ni Chaz. Nagbago naman ang ekspresyon ni Zaver. From you-don't-know-anything to stop-asking-or-you're-dead.

"I said don't bother."

Hindi na nagtanong ang lahat at bumalik na sa sariling ginagawa. Pero sa loob loob ng mga lalaki ay pare-parehong tanong.

'Ba't ayaw niyang sabihin?' Trace

'Is he hiding something? Hindi naman siya ganyan ka-secretive. Misteryoso siya pero hindi secretive.' Ryuu

'I'm sensing something else...' Chaz

'Breathe Kei. Nakakamatay ang curiousity.' Kei

'There's definitely something else!' Race

'...' Cree








[Zayumi Violet's POV]

Monday came and everyone is busy. Sineset na ang stage sa oval. Ang iba nagde-decorate, ang iba nagse-set ng speaker, ang iba naman nagpa-practice including us dito sa ground para sa Festival na gaganapin bukas.

Maraming estudyante ang nagkalat sa front ground at nag eensayo habang kaming grupo ay prente lang na nakaupo sa bermuda dahil tapos na kami. Dumating naman si Van at Mika na may hawak na paper bags.

"Meryenda?"

Nakangiting pagiimbita niya at binigyan kami isa-isa ng maiinom.

"Ooh thanks dude!"

Pagpapasalamat ni Sana habang nagbubukas naman ng mga junkfoods sina Miel at Ally. Nagpasalamat din ang iba.

"Guys I'm very excited tommorow. We'll definitely nail it!"

Sabi ni Natalie sa excited na tono. Nagkukwentuhan ang mga babae na para bang nagpi-picnic lang kami dito habang tuloy pa rin sa pagpa-practice ang karamihan ng ibang grupo na nandito rin sa ground.

Tahimik lang ako habang umiinom nang maramdaman kong tinabihan ako ni Van.

"Sup?"

I just glared at him at binalik ang tingin sa harap. Natawa naman ang katabi ko.

"Ba't ba parang lagi kang may galit sa akin?"

"Di ko rin alam."

Umakto naman siyang parang nasaktan.

"Ouch! Do you just hate my whole existence? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito."

Sabi niya habang tawang-tawa. At talagang nakuha pa niyang magyabang. Does he mean everyone likes him?

"Yabang mo."

"C'mon Vii why don't you like me? Hindi naman kita inaano. Pagod at pawis pa nga kitang tinuruan ah...."

Natigil siya sa kakasalita ng mapansin niyang di na ako nakikinig sa kanya at nakatingin lang ako sa isang direksyon. Sinunod naman niya ang tingin ko pero bumalik din ang tingin sa akin.

"You know them?"

Tanong niya kaya napaharap ako sa kanya. Mula sa malayo ay may grupong naglalakad. There was Ace, Race, Trace, Kei, Chaz, Ryuu...and Zaver.

"Tsk...these guys are on it again. Walking like models. Grabbing everyone's attention."

Komento ni Van. Pinagtitinginan kasi ang grupo at meron ding humihiyaw at kinikilig na lang basta sa tabi.

"Bastards..."

Gulat namang bumaling si Van sa akin.

"Tama ba ang narinig ko? You don't like them?"

Sa hindi malamang rason, napatawa siya ng malakas. At dahil nasa open ground kami ay napunta sa amin ang atensyon.

So I hit the back of his head.

"Aray!"

Tumingin siya sa akin at dun din niya napansin na marami palang nakatingin sa direksyon naming dalawa.

"What!?"

Sigaw niya sa mga nakatingin kaya bumalik naman ang mga ito sa mga sarili nilang ginagawa.

"Ingay mo kasi."

"Sinong hindi matatawa eh ngayon lang ako nakahanap ng babaeng ayaw sa mga male species. At tinawag mo pang bastardo ang mga iyon eh sila yung pinagkakaguluhan dito. Na-broken ka na ba noon? Sinong lalaki ang nanakit sayo? O baka naman may ex ka sa kanil--"

I hit him again.

"Alam mo Vii...ikaw lang gumaganyan sa akin."

Hinimas himas niya ang kanyang ulo sabay tingin ng masama sa akin.

Siniko ni Natalie si Van kaya napatingin kami sa kanya.

"Ever wonder why they're all facing you?"

Ngumuso siya sa harap. At sa harapan namin kahit malayo sila ay kita ng lahat na sa direksyon namin ni Van nakatingin ang grupo nina kuya. Naka-crossed arms ang tatlo habang blanko lang ang tingin ng mga kasama nila.




----

Dear who is reading this,

Please vote and follow me if you like the story. Thank you very much. 💋

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon