Chapter 34

1.8K 105 16
                                    

"Ssshhh."

The man behind me was covering my mouth. I stayed still nang may mga anino ng mga tumatakbo galing sa liwanag mula sa bintana.

The house we're in is small and dark. Walang kailaw-ilaw. Ang konting liwanag ay nanggagaling sa bintana lamang. 

Nang wala na ang mga tumatakbo ay tinanggal ko ang pagkakahawak ng lalaki sa akin at hinarap ito. I focused my blurring sight at ang taong nakita ko sa harap ko ay si Zaver.

Nagha-hallucinate ba ako? 

Bigla ako nahilo. My body almost collapsed but this man caught me. Ngayon ko lang naalala ang pagod ko. I have ran for like almost 8 hours. I probably look pale right now.

I tried to stand up.

"Just hold on to me. Pagod ka na," he said. I closed my eyes as I hear my rapid breathing. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa likod ng tuhod ko. Pinahiga niya ako sa sahig habang ang isang kamay niya ay nasa likod ko. I felt his other hand on my forehead, pinupunasan ang pawis ko.

"Pa---paano ka nan---nandito?" I asked between my breaths.

"Your co-agents were able to locate you and report to Kael."

Napapikit ako ng mariin. Pinilit kong bumangon at hinarap siya. Nakaupo rin siya sa sahig.

"Nasaan sila?"

"I ordered everyone to surround the area. They're probably somewhere out there." I just nodded and looked away from his gaze.

"Dito ka na muna at magpahinga. Babalikan kita." Naglabas siya ng isang bote ng tubig at linagay sa sahig.

Saan nanggaling iyon?

Pagtayo niya ay nataranta ako at tumayo din. Na out-of-balance pa ako pero nakatayo din ng maayos. "Sasama ako."

Tinitigan niya ako ng ilang segundo at sumagot ng, "No."

Umiling ako sa kanya. "Hindi. Ako ang gusto nila. Ako ang uubos sa kanila. At kailangan kong mahanap si Aguilar. He has my necklace!"

"I said no, Zayumi." Tinalikuran niya ako at tinungo ang pinto. Susunod pa rin sana ako pero paglapit ko palang ay mabilis siyang humarap sa akin at inikot ako. Hinawakan niya ang katawan ko gamit ang isang kamay lamang.

"Stay, or do we have to do this?" Seryosong saad niya at naglabas ng handcuff.

What the!?

"Okay, okay," inis kong sagot at tinanggal ang kamay niya sa bandang tiyan ko. Hinarap ko ulit siya. Tinignan niya lamang ako na parang makulit na bata.

"Fine. Umalis ka na." Inirapan ko pa siya at tinalikuran. Napahawak ako sa braso ko.

"Vernon Aguilar is not anywhere close here. I was already lucky enough to find you near where I was hiding," sabi niya.

Hinarap ko ang pinto nang magsara na ito. I can't help but worry. Kahit malakas yung mga iyon, marami pa din ang mga tauhan ng mga Mizushima. And anything could happen...to them.

Pinulot ko ang bottled water at ininom ito. After thrity minutes of resting on this empty house, I regained enough strength.

Unti-unti kong binuksan ang pinto. Ngunit paglabas ko pa lang ay may humila agad sa akin.

Si Kael.

Paglabas namin sa mga kabahayan ay agad may humintong kotse sa harapan namin. Bumaba ang tinted window ng driver's seat at si Kei ang nagpakita.

"At your service madame," nakangising saad nito. 

May sumunod naman na isa pang kotse at huminto sa likod ng kotseng sinasakyan ni Kei.

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon