Chapter 24

1.9K 132 15
                                    

Maaga akong nagising sa sumunod na araw.

Pinindot ko ang phone.

4:37 am.

Papunta na ako sa academy. Kailangan kong maibalik ang kotse ng walang makakaalam.

Nakalagpas ako sa gate ng walang problema. Napagkamalian ata akong si Zaver dahil gamit ko ngayon ang kotse niya. Pinark ko siya sa sariling parking area nito at lumabas na ng kotse.

Sinara ko ang pinto at nagsimulang lumakad paalis. Sa dormitory muna ako nina Fire hanggang sa mag-umaga.

Sa paglalakad ay napansin ko ang sapatos ko. Ito rin ang ginamit ko nung festival. Natanggal ang lace. Dahil ata sa pagmamadali ko kanina.

Yumuko ako at itinali ang shoelace. Nang matapos ko ay dun ko lang napansin na may isang pares ng sapatos sa harapan ko.

Sa gulat ko ay nailabas ko agad ang isang needle at itinutok sa taong may ari ng pares ng sapatos.

Ni hindi man lang natinag ang kaharap ko.

Sabagay. Mahirap tong kalaban.

"Too slow. You could've died a minute ago. I was standing here just after you bent down."

You're just too fast dumbass. Oo na! Mas magaling ka na!

Ibinaba ko lang ang kamay ko na may maliit na needle. Inilahad naman niya ang kamay niya.

"Give it."

He's pertaining to his car keys.

"Ibibigay ko pero sagutin mo muna ang tanong ko."

Hindi siya sumagot pero binaba niya ang kamay niya.

"Tine-trace ba talaga ako ng Ly's? At bakit mo naman sasabihin sa akin yon? At saka sinundan mo ba ako dito?"

Hindi man lang nagbago ang reaksyon niya.

He just stared at me then said,

"Yes. "

Yun lang.  Yun lang ang sagot niya. Hindi ko tuloy alam kung anong tanong ang sinagutan niya.

"Now give me the keys."

Ibinigay ko ang susi at lalagpasan na sana siya.

"Wait."

Tinignan ko siya pero iba ang tinitignan niya. Ang dibdib ko.

"Hoy!"

Mabilis siyang nakalapit. Hinila niya ang kuwintas na nakatago sa loob ng damit ko hanggang sa mapunta ang susing pendant sa mga palad niya.

"Yours?"

Tanong niya at nakipagtitigan sa akin. Halatang may alam siya tungkol sa kuwintas ko.

Hindi na ako nagtaka.

Binawi ko sa kamay niya ang kuwintas at tinitigan siya ng masama.

"None of your business."

Tinalikuran ko siya at nagsimulang lumakad palayo.

"Guirrero."

Napatigil ako sa sinabi niya.

"You haven't found the missing piece. Haven't you?"

Hindi ako nagsalita.

"What if I tell you I know where it is?"

His voice and question is so alluring. Pinigilan ko ang humarap ulit.

"I'll find it on my own."

Bigkas ko at nagmadaling umalis doon.

Nung nasa hallway ako ng dormitories ay naka-receive ako ng message.

Fire: "Bawal ang PDA sa school premises."

Naguluhan ako sa text niya.

Wait.

What?




[Third Person's POV]

Dalawang tao ang nakaupo sa harap ng monitor at malalim na nag-iisip.

"Is this good? Or bad? Braah..."

"I don't know. But this is rare."

Sagot ni Chaz kay Ryuu. Nasaksihan nila ang pag-uusap ng kanilang boss at sa kapatid ng triplets.

Sila lamang ang nakakaalam sa lahat ng naging engkwentro nina Zaver at Violet.

Dahil sila ang may responsibilidad na alamin kung anong nangyayari sa bawat sulok ng academy sa pamamagitan ng mga cctvs and hidden cameras.

Hindi nagsasalita si Zaver tungkol dito pero alam ng dalawa na hindi ito dapat malaman ng triplets.

Mababaliw ang mga iyon.

Kaya pag nakita nila sina Master Z at Vii sa iisang anggulo ay agad nila itong dine-delete gaya ng ginagawa ng boss nila.

Nagugulahan din ang dalawa kung bakit kailangan na hindi malaman ng triplets na ilang beses na silang nagka-engkuwentro.

Wala naman silang relasyon. Pero base rin sa nakikita nilang aksyon ng boss nila ay iba ang ibig sabihin nito.

Napansin ng dalawa at napapansin rin ng mga kasama nila ang maliit na pagbabago ni Zaver. Hindi nila mapagtanto pero alam nilang may iba. Kina Ryuu at Chaz naman ay alam na alam ng dalawa ang rason ng pagbabago na iyon.

Hindi sa ayaw ng triplets kay Zaver ngunit napaka-delikado kasi ng boss nila. Lahat ng napapalapit sa kanya ay tina-target.

"Damn rare."

Bigkas ng tulalang si Ryuu. Nagsalita naman ulit si Chaz.

"He lets her use her car. He lets her get close to him like that. And hinahayaan rin niyang makatakas ito sa lahat ng nagawa niya. Dude what is happening?"

'Does he really like her?'

Ang tanong sa isip ng dalawa. Pero napaka-imposible kasi...


The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon