Chapter 49

1.7K 87 7
                                    

Nakaupo ito sa likod ng ambulansya habang may medic na gumagamot sa mga sugat niya. Nangibabaw ang pag-aalala nito kaysa sa galit niya sa sinumang naglakas loob na ipahamak si Violet.

Tumigil siya sa gitna ng daan kaya't naunahan siya ng Ly's na makalapit.

"Vii!! Ayos ka lang???"
"My goodness Zayumi Violet Arkazel! Andami mong sugat!!!"
"Nanira ka na naman ng isang kotse! Anong nangyari!?"

Pinaulanan si Violet ng mga tanong, tarantang niyakap at hinawak-hawakan sa mukha. Tumango naman si Vii at sinabihan silang ayos lang siya ngunit ang mga mata nito ay nakatingin lang din kay Zaver.

Mahinahon niyang ibinaba ang mga kamay ng triplets na nakakapit sa kanya at lumakad paharap. Habang palapit si Violet ay tinignan siya ni Zaver mula ulo hanggang paa.

Marami itong maliliit na sugat dulot ng mga bubog at matutulis na metal mula sa kotse.

Sa isip ni Zaver ay mas malala ito kaysa sa pagtalon niya mula sa helicopter. Lalo na't talagang target siya ng sinumang iyon.

"Ba't ka tumigi--" magsasalita pa sana si Violet pero hindi rin natuloy dahil hindi na nagdalawang-isip pang humakbang si Zaver at yakapin siya.

Niyakap niya ito ng may pag-iingat. Ang isang kamay niya sa likod ng ulo nito. Napapikit ito ng mariin sabay hinga ng malalim.

"You're okay." Bigkas ni Zaver.

Niyakap naman siya pabalik ni Violet dahil ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso ng lalaki.

"Of course I'm okay."








Sa isang tabi,

"Hayaan niyo na Ly's. Tanggapin niyo na lang na ang isa't isa na ang pinapahalagahan ng dalawa." panunukso ni Ryuu sa Ly's na sabay namang sinagot ng masasamang tingin ng triplets.

"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Race ngunit nagtinginan lang ang tatlong babae.

"Intentional car crash." kaswal na sagot ng palapit na si Fire kasama si Detective Allejo.

"Her identity was well-hidden, sino namang pupuntirya sa kanya?" tanong ni Ace.

"Ayon kay miss Violet, halatang hindi inakala ng lalaki na lalabanan siya nito. Dahil sa buong pag-atake ay gusto na lamang niyang takasan siya." Detective Allejo.

"Kung naiwasan siguro ni Vii ang sedative na inenject sa kanya baka wala ng buhay yun ngayon."

"Sedative??" tanong ni Trace na may pag-aalala.

"Yes. A very strong one." tuloy ni Fire.

"Hinihintay na lang natin ang result ng DNA at kung anong klaseng sedative ang nasa syringe. Pero teka magkakakilala pala kayo? At may relasyon ba ang dalawang iyon?" tukoy ni Detective Allejo kina Zaver at Violet na hanggang ngayon ay sobrang lapit sa isa't-isa dahil tinitignan ni Zaver ang pasa sa mukha ni Vii.

"Nope! Walang sila!" angal ng Ly's.

"Kung wala silang relasyon...then anong meron sa kanila?" maang na tanong ni Ryuu.

"Mutual understanding?" kibit balikat na sagot ni Izumi na sinegunda naman ni Mitch.

"I think that's what matters. Ano naman kung may relasyon kayo agad kung hindi rin magtatagal. Atleast sa dalawang yan, mutual understanding talaga muna hindi mutual feelings lang bago maging sila officially."

"Parang kayo ni Ace?" sa sinabing iyon ni Ryuu ay napangiti si Ace habang sinamaan ito ng tingin ni Mitch.

"Hindi na kasi kailangan ng label. Besides, it saves you from the troubles of divorce processes and break-ups." Izumi.

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon