Chapter 47

1.7K 86 5
                                    

Pabigat ng pabigat ang dibdib ni Zaver habang palayo ito sa maraming tao. Napunta siya sa bandang konti lamang ang mga dumadaan at walang masyadong ilaw at ingay.

'What am I doing in this dirty crowded place?' tanong nito sa isip.

"Ba't ka nandito?"

"Same ques--" hindi nito natuloy ang sasabihin nang mapagtanto kung kaninong boses yun. Agad napunta kay Zayumi ang tingin niya.

'Oh god, she's breathtaking.' sa isip ni Zaver nang titigan niya ito mula ulo hanggang paa pabalik sa mga mata nito.

"You're here..." Iniwas ni Zaver ang tingin niya at hinarap ang dagat. "Why are you here? Hindi ba dapat nasa hotel ka..."

"Kasama si Cypheroid?" si Vii ang nagtuloy.

Nagbago naman agad ang mood ni Zaver. 'Cyperhoid? She even has a nickname for him!?'

Natawa si Vii na inirapan naman ni Master Z.

"But I'm here." matamis na ngumiti si Vii kaya naman nawala din agad ang simangot niya. Wala rin tuloy siya masabi.

Nang walang mahintay na salita si Vii ay nagsalita ulit ito.

"Mr. Devios, hindi na ako nagulat nang sabihin mong dapat nasa hotel na ako ngayon. Nagiging stalker ka na."

Umupo si Vii sa buhangin at tinap ang tabi nito. Mabagal namang lumapit si Zaver at umupo sa tabi niya.

"Nag-stand out ka ngayong gabi kaya nakita kita agad."

'Pasalamat kina Kei at Dr. Kael, walang nakalapit sayo.'

Ngumiti si Vii sa paraang hindi mabasa ni Zaver. Nawala ang ngiti niya nang wala man lang salita mula kay Master Z.

"Wala ka man lang bang sasabihin? Kausap ko lang ba sarili ko?" she nudged him kaya tinignan siya nito.

Nakaramdam si Vii ng awkwardness ng titigan siya ni Z ng matagal.

"Yahhh..."

"Why are you here?" Zaver.

"Yun dapat ang tanong ko sayo. Why are 'you' here--"

"Dahil nandito ka."

Hindi nakahanap ng sasabihin si Vii sa mabilis na sagot ni Zaver.

"And I have nothing to say because this is enough for me. You, beside me..."

'and not with that steroid.' tuloy nito ngunit sa isip niya lamang.

"Magchecheck-in ka pa rin ba sa hotel?" pasimpleng tanong ni Master Z.

"Oo. Alangan naman. Alam mo na rin siguro ang Pythons. Stalker ka eh--" hindi pinatapos ni Zaver si Vii.

"If that's what you call it then stalker it is. But can you...just not...go there?"

"Hindi puwede. Ako lang ang puwedeng makatulong sa kanila. Hindi ko puwedeng sabihin kung tungkol saan kasi protocol nga."

Umikot sa dagat ang paningin ni Zaver na napansin ni Vii. 'Ayos lang ba siya?'

"Yahh...ayos ka lang?"

"I'm freaking out." mabilis ulit na sagot ni Z.

"Bakit naman?"

"Because your outfit right now is nice. Too nice. At may sinabi sa akin si Race kanina." hindi na napigilan ni Z at nasabi ang sinabi ni Race sa kanya nang tumawag ito.

"Naniwala ka dun? Wag ka magpapaniwala sa Ly's! Lumaking sinungaling ang mga yun."

"Can't help it. Narinig kong beach ang pupuntahan niyo. And about to meet five men. Five men!" tuluyan nang humarap si Zaver kay Vii at talagang seryoso ito. Hinarap na din siya ni Violet.

"Baliw! Work nga eh. Work! Work is work. Life is life. Para sa akin...separate ang work sa real--" hindi nito tinuloy at napalunok na lamang si Vii. Akala niya ay hindi makukuha ni Zaver ang ibig sabihin nito pero huli na. Nakangisi na ang Master Z.

"Sa pagkaka-alala ko...ayaw mo akong makialam sa 'work life' mo. But I just did what I wanted. Does that mean..." doon lamang napansin ni Vii kung gaano kalapit si Zaver kaya itinulak niya ito nang mahina.

"Manahimik ka."

Sabay silang umiwas ng tingin. Ang isa ay nakasimangot habang ang isa ay nakangisi pa rin.  Napunta sa madilim na dagat ang atensyon ng dalawa.

Pasimpleng ibinalik ni Vii ang tingin kay Zaver.

'I like you Z. Although I know, we both know  we can't do this. We're not safe for each other. Pero katulad mo, hindi ko rin mapigilan ang sarili ko.' nang tumingin si Zaver kay Vii ay agad siyang umiwas at pinaglaruan ang buhangin sa tabi niya.

Napasinghot si Vii dahil sa lamig. Napansin ito ni Zaver kaya sinuhestiyon nito na bumalik na. Nagdesisyon silang bumalik at kaswal na naghiwalay. Dumiretso si Vii sa hotel at bumalik naman si Zaver sa puwesto nina Kael. Wala na dito si Chaz. Si Ryuu naman ang bumalik.

"Let's go." sabi ni Zaver na may ngisi sa labi. Nakahinga ang tatlo nang makitang okay na ito. Okay na nga ito kasi nabigyan na siya ng assurance.

May invisible law kasi ang mga Verrero. 'Never upset nor let anyone upset the master.' Sa tagal nila bilang Verrero, alam nila kung anong mga pwedeng mangyari kapag nagagalit ang master nila. Lalo na't may Vii na silang pinag-uusapan. Kaibigan man nila ito, siya pa rin ang boss ng Verrero. Boss na kinakatakutan ng lahat mismo sila.






[Third Person's POV]

Marahas na ibinagsak ni Raegan Montañoza ang mga litrato sa lamesa.

"You're saying the Verrero master is hanging out with this girl?"

Tanong nito sa foreigner na secretary ng may pagdududa. Maya-maya ay napalitan ito ng pagkalibang.

"Yes master! As I have observed this young Verrero master, he had been treating this lady differently far from his character."

'At last. Nakitaan rin kita ng ikakabagsak mo.' sabi ni Raegan sa sarili habang nakangisi.

"What do we do now Master?" tanong sa kanya ng sidekick niya.

"What do we do? We need to prove it. Find out more about that girl and her whereabouts."

"Yes master!"

'Tignan lang natin kung gaano kahalaga ang babaeng ito sayo Zarius Verrero Devios hmnn."

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon