Chapter 48

1.7K 87 1
                                    

[Zayumi Violet's POV]

Matapos ang sadya ng Pythons ay nag-stay muna sila dito sa Pilipinas ng isang araw dahil sa misyon nila bago bumalik sa Rome.

Bumalik kami sa academy at lumipat na rin ako sa dormitoryo dahil marami ng estudyante ang umalis rito.

Everything went back to normal four days after the Mizushima's demise.

Tumunog ang phone ko.

"Yes Sunog?"

"Ugh stop calling me that! Are still at the dormitory? Nauna na kami. You have a car naman so we'll just wait for you sa hideout."

"Okay." sagot ko at ibinaba na ang tawag. Pagtingin ko sa oras ay 1:17 AM pa lang. Ginamit ko ang kotseng gray ni Zaver. Dahil kinuha na naman ng triplets ang akin nung ginamit ko ito papuntang beach.

Madilim na ang paligid at may kalayuan pa ang hideout. Sa bahay nina Mitch. Nakapasok na ako sa daan na puro kakahuyan na ang magkabilang gilid ng daanan.

As I was driving and 47 minutes away from the area where our hideout is, I noticed a fast-driving car far in front of me. May isa pa akong makakasalubong na truck pero normal ang speed nito.

I slowed down my car. May iba akong kutob dito. Bumilis pa ang takbo ng kotse at nilagpasan na nga ang truck na normal lang ang takbo.

Bullet! Sa akin ata didiretso to!

Mabilis akong lumihis sa daan. I drove at the side of the road nung malapit na talaga siya. I stopped and angled the car, brought out my gun and shot the car's left wheel. Malakas ang naging ingay ng kotse. The screech irritated my ears.

Napagewang-gewang ang kotse pero patuloy pa rin ito sa direksyon ko. I moved back the car then changed the angle para hindi masyadong malakas ang impact nito sa kung saan ako.

Mukhang hindi ito titigil hangga't mabangga ako. If that's what this man or woman wants then ibibigay ko. Nang magkaalaman.

I saw the car's headlights approach me hanggang sa naramdaman ko ang malakas na impact ng pagkabangga sa akin.

Bullet! Inexpect ko pa naman na hindi talaga ako babanggain. Pasalamat ako't nasanay na akong nadidisgrasya.

Umandar pa ulit ang kotseng bumangga sa akin palikod. Mukhang uulitin pa. I also took that chance to move back my car too. Linayo ko ang kotse palikod at ganun din ang ginawa ng kaharap kong kotse.

Huminto kami ng ilang minuto. Nang umandar ang bumangga sa akin ay inandar ko na rin paharap ang sa akin. Sinalubong ko ang baliw. Pagewang gewang na, gusto pa rin akong banggain.

Nagbanggaan kami ng kotse.

"Agh! Isshh."

Ilaw at usok mula sa dalawang kotse ang pumaligid sa akin. Pero kailangan kong maging mabilis. Binuksan ko ang sirang pinto ng driver's seat at dineretso ang kotseng bumangga sa akin.

Sinubukan kong buksan ang pinto nito pero naka-lock pa rin. Napairap ako. I punched the window from the driver's seat at pilit na binuksan ang pinto. Nakita ko ang horror sa mukha ng driver. Mukhang ka-edad ko lamang siya.

"Bakit? Hindi mo inexpect na lalaban ako?"

Naging hysterical ang galaw nito at tinulak ako. Natumba ako sa lupa. Mukhang tatakbo ito sa kakahuyan.

Base sa suot niyang protectors, handang handa ito sa kahit anong pwedeng mangyari. This is obviously intentional.

Mabilis ko siyang hinabol at itinumba. But he was able to grab my left hand na may cast pa rin hanggang ngayon. Nakita niya itong kahinaan. Inikot niya ang kamay ko pero nasiko ko siya. Napalayo kami sa isa't-isa at sabay din kaming tumayo agad.

Pagkatayo ng lalaki ay sinugod agad ako. He tried strangling me. May lakas pa rin ito. Sinipa ko ang dibdib niya dahilan upang matumba ulit siya. Mabilis din siyang bumangon at pina-ulanan ako ng suntok. He threw a lot of side punches at may isang tumama sa mukha ko.

'How dare this boy touch my face!?'

Inatake ko siya mula sa baba. Halos mabuhat ko siya at naitumba palikod. He was adjusting himself dahil ulo ang naunang tumama sa kanya sa lupa.

Hindi ko pa rin maramdaman ang sakit ng katawan ko hanggang ngayon. Linapitan ko ang lalaki at tinapakan sa leeg. Sinubukan niyang tanggalin pero mas umaapaw ang galit ko ngayon.

I looked straight into his eyes.

"Sino. Sino ang nagpadala sayo?"

Drops of blood flowing from my fingertips fell on his face.

"Aackk!!"

He struggled to breathe. Binigyan ko siya ng pagkakataong makahinga ngunit kinuha niya iyon bilang chance na makatakas. Bigla ay naglabas ito ng syringe mula sa bulsa niya. His left hand grabbed my foot and pulled me. Pagkatumba ko ay mabilis niya itong itinurok sa hita ko.

Nakuha ko pa siyang sipain pero unti-unti rin na nakaramdam ako ng panghihina. My eyesight became blurry. Nakita ko pa ang lalaki na paika-ikang tumakbo papunta sa kakahuyan sa kabilang gilid ng daan.

Habang unti-unting nahihigit ang malay ko ay may nakita akong truck na tumigil. Ito yung nakalagpas na kanina pa habang nagbabanggaan kami. Nakuha ko pang magulat dahil bumalik siya.

"Miss? Miss?? Nakupo jusko!!"

Nakarinig ako ng boses ng isang lalaking may katandaan. My eyes were almost half closed. I heard a ring from a phone pero sumunod dun ay wala na akong narinig.







[Third Person's POV]

Mas binilisan pa ni Zaver ang takbo ng kotse niya. Nanlilisik ang nga mata nito at diretso lamang sa daan ang tingin. Nakasunod naman sa kanya ang iba pang Verrero.

Halos maubos ang kuko ng hinlalaki ni Trace sa nerbyos nito. Magkakasama silang triplets sa kasunod na kotse at kasama din si Ryuu.

Sa lugar ng pinangyarian, asul ang aura ng paligid sapagka't alas singko pa lamang ng umaga. Nagkalat ang mga pulis at mga responde dito. Kitang-kita sa malayo ang mga kumukurap na ilaw ng mga kotse ng police at ambulansya.

Dumating ang magkakasunod na kotse ng mga Verrero. Bumaba sa pinakaunang kotse si Zaver at ang una niyang napansin ay ang sira-sira nitong kotse. Ganun din nang bumaba ang triplets. Lumala ang nerbyos nila nang makita ang dalawang kotseng parang tinadtad ng malaking kutsilyo sa pagkasira.

Napansin sila ni Fire na may kausap na imbestigador. Nginuso niya kay Zaver ang direksyon ng ambulansya na agad namang tinakbo ng huli. Nagulat din ang imbestigador dahil kilala niya rin ang mga Verrero.

Hindi makita ni Zaver ang nasa loob dahil kinukumpulan ito ng mga volkovs.

Nang tumalikod sina Mitch, Izumi at Maxim ay dun siya nagkaroon ng pagkakataong makita si Violet...

The Volkov GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon