Eusebio
Halos hingal kabayo ako dahil sa bilis ng pagtakbo ko. Buhat-buhat ko pa si Chloe. Hindi ko na nga alintana ang bigat niya habang pasan ko siya.
"Bumaba ka na malayo na tayo sa kalabaw." sabi ko habang habol ang paghinga ko. Halos ang higpit ng yakap ni Chloe sa leeg ko. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya dahil sa takot.
"No, I can't!" Sabi nito.
"Wala na nga tayo doon. Malayo na oh?!" turo ko sa pinanggalingan namin. Umiling lang siya.
"Sabi ng hindi puwede eh!" napahawak ako sa kanyang likod. Napalunok ako ng mahawakan ko ang likod nito. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hubad na katawan.
"Nasaan 'yung suot mo kanina? Hawak mo ba?" tanong ko habang hindi ko mapigilang makaramdam ng kung ano sa kuwan ko.
"Iniwan ko doon." sabi nito. Ano ba ang gagawin ko?
"Ibibigay ko sa iyo ang kamiseta ko para isuot mo pansamantala. Hindi tayo puwedeng umuwi ng ganyan kang nakahubad. Pipikit ako tapos huhubarin ko ang kamiseta saka mo isuot. Ayos lang ba?"tanong ko sa kanya.
"S-Sige." dahan-dahan ko siyang ibinaba habang nakapikit. Nang maibaba ko na siya. Hinubad ko na ang kamiseta ko at ibinigay sa kanya.
"Sabihin mo kung naisuot mo na." Sabi ko habang nakapikit ang mga mata.
"Okay na," idinilat ko ang mga mata ko. Parang gustong lumuwa ng mata ko nang makita ko ang tungkil ng dibdib ni Chloe. May kanipisan kasi ang kamiseta ko. Napabaling sa iba ang tingin ko.
"Halika uwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Simeona." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Magsimula na akong maglakad. Napatigil ako nang may nakita akong mga lalaking nag-iinuman sa ilalim ng isang puno. Naalala ko si Chloe na walang panloob. Aninag kasi ang kanyang tungkil. Kaya kahit labag sa kuwan ko. Inakbayan ko si Chloe. Napatingin ito sa akin ng may pagtataka.
"Kailangan kitang akbayan may mga lalaki tayong madadaanan. Makikita ang ano mo." Hindi ko masabi ang tungkil. Nag-init ang mukha ko. Para naman naintindihan ni Chloe ang guasto kong sabihin. Halos dikit na dikit ang katawan nito sa bandang baywang ko. Kaya ramdam ko ang kanyang malambot na dibdib. Hindi ko na malunok ang sarili kong laway dahil sa intensidad na nararamdaman ng ano ko. Naapektuhan na ako.
"Eusebio, tagay tayo!" pag-aaya ng kakilala ko. Napakamot ako ng ulo.
"Isang tungga lang, ha. Masama kasi ang pakiramdam ng boss ko. Si Senyorita Zobel." sabi ko sa kakilala ko. Nagsitayuan ang mga lalaki at yumukod kay Chloe.
"Magandang hapon po, Senyorita. Pasensya na po hindi ka namin nakilala." sabi ni Caloy na isang kaibigan ko rin.
"Okay, lang po. Pasensya na po kung hindi makakasama si Eusebio sa inyo. M-masama po kasi ang pakiramdam ko. Magpapahatid lang po ako." Sabi nito.
"Eusebio, bakit wala kang pang-itaas?" mapanuring tanong ng isa pang kaibigan ko.
"A-Ano kasi kinapitan ng mga higad kaya hinubad ko at itinapon." Sabi ko sabay kamot ng ulo ko.
"Naku saan ka ba nagsusuot? Uso ngayon ang higad. Tag-ulan na kasi." sabi ni Caloy.
"Ano kasi nagpasama ako kay Eusebio sa may taniman ng mangga." Pagdadahilan ni Chloe. Napahinga ako ng maluwag. 'Buti naman at tinulungan niya akong magrason. Bago kami umalis tinungga ko ang ibinigay nilang kalahating baso ng gin. Gumuhit sa lalamunan ko ang tapang ng alak. Sanay naman na ako sa ganitong uri ng alak. Pero parang nanibago ang lalamunan ko. Ilang buwan rin kasi akong walang inom sa Maynila.
"Sige mga pare mauuna na kami ni Senyorita." Paalam ko sa kanila. Nakahawak pa rin sa baywang ko si Chloe. Malayo-layo pa ang pinagparadahan ko ng sasakyan kaya nagreklamo na ang kasama ko.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)
RomansaSi Eusebio Makalintal isang binata galing probinsya ng Mindoro. Nagtrabaho siya bilang bodyguard sa isang magandang modelo/artista na si Chloe Zobel. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Chloe kay Eusebio. Allergic na allergic ito sa mga lalaking...