Eusebio
NANG matapos ang pag-uusap ng mga magulang namin ay nagkasundo ang dalawang panig na itaon ang kasal bago magpasko. Hindi ko maipaliawanag ang sayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Sa wakas mapapasaakin na si Chloe. Ilang buwan na lang at siya'y aking magiging kabiyak na.
Nagkasundo rin sila na si Nanay ang bahala sa susuuting traje de boda ni Chloe. Magiging pribado lang ang magaganap na kasal namin. Hindi pinaalam ni Chloe sa media ang nalalapit naming pag-iisang dibdib. Dahil baka daw pagpiyestahan ng media. Kaya walang inilabas na balita tungkol doon. Nagpasya s'yang sabihin kapag naikasal na kami.
"Babe, I am so excited!" masayang sabi ni Chloe. Yumakap siya sa baywang ko at inihilig ang mukha sa malapad kong dibdib.
"Nasasabik ka na sa kasal natin?" tanong ko.
"Excited ako sa honeymoon, babe. Mahahawakan ko na ang agila mo."Napahagikgik si Chloe. Natawa naman ako sa kanyang tinuran. Hindi ko akalaing mamahalin ang kagaya ni Chloe. Langit at lupa ang agwat naming dalawa.
Hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok saka kinintalan ko ng halik ang kanyang noo.
"Para sa 'yo ang agila ko mahal ko. Kapag mag-asawa na tayo malaya ka ng hawakan ito." Inginuso ko ang gitna ko. Napakagat-labi si Chloe habang napasunod ng tingin sa inginuso ko.
"I love you, Eusebio. Sa kabila ng pagiging masungit ko sa 'yo hindi mo ako sinukuan. Aaminin kong defense mechanism ko lang naman ang pagiging mataray ko sa 'yo. Dahil kahit noong mga bata pa tayo lihim na kitang minamahal." Pag-amin nito sa totoong nararamdaman.
"Aaminin ko rin na kahit naiinis ako sa iyo noon dahil sa pang-aapi mo sa akin ay hindi naman nawala ang pagtingin ko sa iyo, mahal ko. Hindi ko lang kasi kayang aminin ang tunay kong damdamin sa iyo dahil nahihiya ako kay ninong. Iniisip ko noon na baka ayaw ni ninong sa akin para sa iyo. Isa lang kasi akong hamak na mambubukid. Kaya nagpasya na lang akong ibaling sa ibang babae ang aking pagtingin ngunit parang niloloko ko lang ang sarili ko dahil ikaw pa rin ang itinitibok nito." Turo ko sa tapat ng aking puso.
"Talaga? Kinikilig ako, babe. . ." Isinubsob ni Chloe ang mukha sa dibdib ko. Natawa ako.
"Ehem.. Ehem.. Ehem.. Gusto kong ipaalam sa inyo na hindi kayo puwedeng magkita muna habang inaayos ang inyong kasal." sabi ni Ninong. Kumawala sa pagkakayakap sa akin si Chloe.
"Daddy, bakit may ganon pa? Don't tell me tradisyon na naman 'yan?" reklamo ni Chloe. Humaba ang nguso nito.
"Kailangan ninyong sundin ang mga sinasabi namin. Hindi naman masama kung susundin ang pamahiin. Ilang araw lang naman na hindi muna kayo magkikita. Bakit ikamamatay mo na ba ang hindi makita itong si Eusebio?" parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Dahil sa sinabi niya. Nahihiyang napakamot ako sa ulo ko. Pakiramdam ko ako pa ang nahiya.
"Oo, Daddy, ikamamatay ko! Ayokong mawala siya sa paningin ko! 'Di ba nagawa naman namin ni Eusebio ang mga pagsubok? So, bakit pa kami hindi magkikita? Dad, naman, eh!" Reklamo nito at nagpapadyak ang paa nito sa inis sa Daddy nito.
Hinila ni Ninong si Chloe kaya nagkalayo kami sa isa't isa. Hindi maipinta ang mukha ni Chloe.
"Ikaw Eusebio, bilang lalaki dapat sundin mo ang mga patakaran ko. Alam mo naman siguro ang tradisyon natin dito, 'di ba? Hindi magkikita ang ikakasal bago ang nalalapit na pag-iisang dibdib." sabi ni Ninong.
Tumango ako.
"Naiintindihan ko po, Ninong. Susunod po ako sa kagustuhan niyo." kahit labag sa kalooban ko kailangan kong sundin ang tradisyon namin.
Nagkatinginan na lamang kami ni Chloe. Wala kaming nagawa kung hindi sundin na lamang ang kanilang kagustuhan.
Napalingon pa ako habang palabas ng pinto. Mabigat ang mga paa kong lumabas ng hasyenda. Hindi ko man lang nahagkan ang mahal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/185116189-288-k920083.jpg)
BINABASA MO ANG
Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)
RomanceSi Eusebio Makalintal isang binata galing probinsya ng Mindoro. Nagtrabaho siya bilang bodyguard sa isang magandang modelo/artista na si Chloe Zobel. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Chloe kay Eusebio. Allergic na allergic ito sa mga lalaking...