Chloe
NAPASANDAL ako sa dingding at napahawak sa aking dibdib ng isara ko ang pinto. Napakabilis ng tibok ng puso ko.
Feeling ko ay mawawalan ako ng hininga. My gosh! Nakita niya ang mga t-back ko. Ano kaya'ng iniisip niya ngayon? Nakaramdam ako ng pag-iinit sa aking mga pisngi.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko kay Eusebio everytime na nasa malapit lang siya. Oh my God! Am I falling to him? A big no way! Hindi kami bagay dahil ang baduy niya.
I need to control this feelings. I don't want to fall in love to that probinsyano guy.
Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng silid ko. Nang makita ko si Eusebio ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.
May kausap siyang mga lalaki na ngayon ko lang nakita. Parang huminto ang inog ng mundo nang mapalingon sa kinatatayuan ko si Eusebio. 'Yun bang kami lang dalawa ang narito. Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata. I can't stop my hand to tremble and feel nervous.
"Senyorita!" tawag sa akin ng isang matandang lalaki. Kaya napasulyap ako doon.
Napangiti ako ng tipid. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nila. Habang papalapit sa kanila ay pabilis ng pabilis ang tibok ng heart ko. Feeling ko naririnig na niya ang heart beat ko.
"Good day, everyone," bati ko sa kanila. Yumuko sila sa akin bilang paggalang.
"'Buti naman po napadalaw kayo dito sa hasyenda, senyorita. Bata ka pa noon ng huli ka naming nakita, ngayonay dalaga ka na," sabi ng matandang lalaki.
"Oo nga po, Doon na po kasi ako nagpatuloy ng pag-aaral. 'Musta po kayo dito sa hasyenda?" tanong ko. Kahit wala naman akong interes na malaman. Para naman may masabi ako. I don't know them personally why should I care?
"Ayos naman po, senyorita. Maganda po ang ani ngayong taon. Walang mga malalakas na bagyo ang dumating. Gusto niyo po bang mamasyal sa bakahan?" napalunok ako. Takot kasi ako sa baka at mga kalabaw. Nagkatrauma na kasi ako noon. Hinabol kasi ako ng kalabaw noon na may sungay. Halos iyak ako noon dahil sa sobrang takot. Kaya everytime na nakakakita ako ng kalabaw natatakot na ako.
" Naku maganda pong idea iyan Mang Kulas. Siguradong magugustuhan ni Ms. Zobel ang mamasyal sa bakahan." napatingin ako kay Eusebio. Really ako? Ayoko ngang makakita ng kalabaw. Duh
" Ah ano kasi.." may sasabihin pa sana ako ng sumingit si Jade sa usapan.
" Gusto ko iyan. I want to experience ng nakasakay sa kalabaw. Chloe try natin dali! Excited na ako. Ikaw ang hahawak sa kalabaw Eusebio ha. Alam kong magaling ka sa paghawak."napairap ako sa sinabi ni Jade. Ang landi lang. Anong paghawak sinasabi niya. Iba kasi ang naiisip kong hinawakan niya. My gosh ano ba itong naiisip ko.
Napatawa si Eusebio sa biro ng kaibigan.
"Oo ba basta huwag lang kayo masyadong nerbiyosin. Mababait naman ang mga kalabaw." paniniguro niya. What? Mababait hinabol nga ako noon. Duh. Gusto ko sanang sabihin hindi ko na lang sinabi.
"Halika ka na, Chloe, para naman malibot natin ang place niyo." hinawakan na nito ang kamay ko. Hinila na niya ako. Muntik na akong mapasubsob dahil sa lakas ng pagkakahila sa akin. Buti na lang nakarubber shoes ako. Balak ko sana magbakya.
Sumakay kami sa pickup na color blue. Halos mahilo ako sa sobrang lubak ng mga daan dito.
"My god! Hanggang ngayon ba hindi pa sementado ang kalsada dito?" naiinis na sabi ko.
"Ayaw kasing ipasemento ito ng ibang magsasaka dahil dinadaanan ito ng mga kalabaw. Magkakalat kasi ng dumi ng mga hayop kung sementado ang kalsada. Saka mas gusto nilang lupa ang daanan ng mga hayop nila. Gusto nilang panatilihin ang pagiging probinsya talaga ng lugar." Napairap ako kay Eusebio. Ayaw nilang maganda ang dadaanan nila, kaysa ganito. My god! Daig ko pa yata ang binugbog nito.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)
RomanceSi Eusebio Makalintal isang binata galing probinsya ng Mindoro. Nagtrabaho siya bilang bodyguard sa isang magandang modelo/artista na si Chloe Zobel. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Chloe kay Eusebio. Allergic na allergic ito sa mga lalaking...