Unang Kapitolo

13.3K 335 22
                                    

Eusebio

Napakaraming tao ngayon dahil fiesta sa aming baryo. Kasama ko ang aking mga kaibigan na sina Antonio, Donato, Mariano at Teodoro. Sumali kami sa paligasahan ng karerahan ng kalabaw.

Taon-taong ginaganap ang paligsahang ito bilang pasasalamat ng mga magsasaka sa magandang ani sa buong taon. Nasa tabi ko ang alagang si Teryo. Malaking bulas ang aking alagang kalabaw. 

Alagang-alaga niya ito dahil isa ito sa nakatutulong sa kanya sa pagsasaka sa bukid. Halos araw-araw niya itong pinapastol sa madamong bahagi ng bukid at palagi rin niyang pinapaliguan sa ilog.

"'Sebio! Ako ang mananalo ngayon dahil talaga naman pinaghandaan namin ni Tagpi itong paligsahan." Pagyayabang ni Antonio. Napangiti lang ako.

Nakatutuwa ang pangalan ng kanyang alagang kalabaw parang aso lang. Nagtawanan kaming magkakaibigan dahil sa kanyang itinuran. Kapag binabanggit niya kasi ang alaga niyang tagpi ay hindi naming maiwasang tumawa. Kakaibang pangalan naman kasi.

"Aminin na natin si 'Sebio pa rin ang kampeon dito. Ilang taon na bang palaging panalo si Teryo?"  sabi naman ni Donato.

"Oo nga sang-ayon ako diyan!" segunda naman ni Teodoro.

Nagbanggaan pa sila ng kanilang mga balikat. Sumimangot si Antonio. Tinapik ko ang kanyang balikat na ikinalingon niya.

"Malay mo naman, ikaw na ang mananalo ngayong taon. Hindi ba naging pangalawa ka sa akin noong isang taon?" ani ko. Para naman hindi siya magtampo. Ugali kasi niyang madaling mainis sa tuksuhan namin.

"Aysus! 'Tonio, mukha kang kalabaw sa hitsura mo. Hindi mo bagay ang magtampo." Birong saad ni Donato. Nagtawanan sila. Mas lalong sumama ang mukha niya dahil sa sinabi ni Donato. Napapailing na lang ako sa mga kaibigan kong mga mahilig manukso.

"Tama na nga iyan, baka magkapikunan pa. Nandito tayo para magsaya, kung sino man sa atin ang manalo maging masaya na lang tayo. Ang mahalaga magkakasama tayo ngayon." sabi naman ni Mariano.

"Kung sino man ang manalo ngayon ipamahagi na lang sa bawat isa ang premyong makukuha," dagdag pang wika ni Mariano. Sumang-ayon kami sa pamamagitan ng pagtango. At saka kami nag-akbayang lima.

HALOS dumagundong ang mga hiyawan ng mga tao nang magsimula na ang karera ng kalabaw. Nagsimula na kaming tumakbo sakay ng aming mga alagang kalabaw.

Napangiti ako dahil wala pa ding kupas ang alaga kong si Teryo. Para naman itong may isip na pinag-iigi nito ang pagtakbo. Halos ang layo na namin sa ibang kalahok sa paligsahan. Nakikita ko na ang hanggahang guhit. Hanggang narating na namin. Napalingon ako pumangalawa pa din sa akin si Antonio. Bumaba ako sa likod ni Teryo. Sinalubong ko si Tonio na nakangiti sa akin.

"Binabati kita, Sebio. Wala pa ring kupas si Teryo." tinapik niya ang balikat ko.

"Magaling rin naman si Tagpi. Tayo pa rin ang nanalo." sabi ko. Nagsidatingan na ang mga ibang kaibigan namin - nakangiti sa amin. Pagkatapos nito magsasama-sama na naman kami upang mag-inuman.

"Balita ko darating ang anak ni Mayor Zobel na artista!" sabi ni Donato. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nandito na naman ang maarteng anak ni Mayor. Matagal na naming hindi nakikita iyon magmula ng nag-aral ito sa Maynila.

Noong nasa Elementarya kami naging kaklase namin ito. Hindi naging maganda ang pakikitungo nito sa mga tao. Lalo sa kagaya naming mambubukid lang ang mga magulang.

"Nandito na naman ang maarteng iyon. Aapihin na naman ang kakisigan natin. Walang-wala naman ang mga mukha ng mga lalaki sa Maynila, mga lampa naman. Oo may mga kalamnan sila pero sa suntukan walang-wala sila sa mga probinsyanong katulad natin. Batak na batak sa bukid." sabi ni Antonio at saka niya inumang ang bisig na may malaking kalamnan. Napatawa kami sa inakto nito.

Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon