Please no to a soft copy and no copying of one's work. This story will remain here on Wattpad. And there will be a possibility that I will publish it in a physical book. SOON
XXXXXX
SINAMAHAN ako ni ate sa magiging silid ko.
"Dito ang quarter mo Eusebio. Pagpasensyahan mo na si Ma'am Chloe ganoon talaga iyon sa mga taong hindi niya pa kilala. Pero mabait naman bata 'yon." wika ni ate Melai.
"Parang hindi naman ako naniniwala na mabuti siya. Kilala ko na po siya noon pa man. Kababata ko po siya tumira sila sa probinsya namin ng ilang taon. Mapagmataas at hindi nakikihalubilo sa mga katulad po naming mahirap" wika ko.
" Ganoon ba? Habaan mo na lamang ang pasensya mo sa batang iyon. Alam mo namang may kaya sa buhay. Hindi maiiwasang may pagkamaldita. Tayo na lamang ang umunawa. Dahil tayo naman ang nakakaunawa" sabi ni ate. Iyon na lamang siguro ang magagawa ko. Alam ko naman na mayaman ang pamilya nito, kaya may karapatan itong mang-api sa paligid niya. Pero si Ninong napakabuti naman nito. Kaya nga nanalo ito bilang Alkalde sa probinsya namin dahil mabuti ang pakikitungo nito sa mga tao. Kahit naman noong pangkaraniwang tao pa siya. Matulungin na talaga ang Ninong ko.
Napatingin ako sa tutuluyan kong silid. May isang kama na may kutson. May unan at kumot na din. May kabinet na din.
"Maraming salamat po ate." wika ko. Binigyan niya ako ng isang ngiti.
"Oh, siya maiiwan na kita. Basta feel at home. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. Huwag kang mahihiya." wika ni ate sa akin. Lumabas na ito ng quarter ko.
"Ibinaba ko na ang bag ko. Sinimulan ko ng ilabas upang ilagay sa kabinet na nandoon. Pagkatapos kong ilagay sa lagayan ng damit ang mga gamit ko. Nagpasya akong lumabas. Hinanap ko ang kusina upang uminom ng tubig. Nakita ko si Ate Melai na papasok ng kusina. May dala itong tray.
"Eusebio nakahain na ako ng tanghalian natin. Alam kong gutom ka na din." sabi ni ate. Naupo na ako upang kumain na. Siguro kainan ng mga kasambahay ang lugar na ito. Pero maayos naman ang kusina. Kumpleto sa kagamitan sa pagluluto. Hindi ako pamilyar sa mga gamit. Kalan na de kahoy lang ang gamit namin sa bahay. Wala naman kaming refrigerator o kahit anong de kuryenteng kagamitan. Maliban sa T.V. na surplus, binili pa ni Tatang sa bayan. Mga second hand na galing ng Japan. Ayon sa pinagbilhan ni Tatang. Maganda din ang sahig napakakintab kagaya ng sa sala. Mayaman talaga ang pamilyang Zobel. Kahit iyong hasyenda nila sa probinsya namin maganda din ang loob.
"Ate, nasaan po si Senyorita Chloe? Kakausapin ko po siya tungkol sa magiging trabaho ko po sa kanya." wika ko.
"Mamaya bababa iyon. Hintayin mo na lamang." tumango ako. Naupo na lamang ako upang simulan ng kumain. Nagutom din ako sa biyahe kanina. Malayo layo din ang biniyahe ko mula sa probinsya namin.
Habang kumakain hindi ko napansin na may taong pumasok sa kusina. Nakatalikod ito sa kinuupuan ko, habang kumukuha ng tubig sa refrigerator. Pagkaharap sa akin pareho kaming natigilan.
"Magandang tanghali Senyorita Chloe. Kain po tayo." pag-aniyaya ko sa kanya. Tumaas ang isang kilay nito. Ibinaba niya sa lababo ang ininuman nitong baso.
"I don't eat with maids and workers here. I'll talk to you after your lunch" pagkasabi niyon tumalikod na ito at lumabas na ng kusina. Napapailing na lamang ako sa ugali niya. Kung gaano kaganda ang kanyang mukha ganoon naman kagaspang ang pag-uugali. Hindi pa din nagbabago, matapobre pa din kagaya noong kabataan namin.
Minadali ko na ang pagkain baka magalit ang mahal na kondesa. Nang natapos na ako sa pananghalian nagpasya na akong puntahan ang Senyorita. Hinananap ko siya sa kabuuan ng bahay. Hanggang sa nakarating ako sa malawak na hardin. Nakita ko itong nakaupo sa isang magarang silya habang may binabasa sa telepono nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/185116189-288-k920083.jpg)
BINABASA MO ANG
Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)
RomanceSi Eusebio Makalintal isang binata galing probinsya ng Mindoro. Nagtrabaho siya bilang bodyguard sa isang magandang modelo/artista na si Chloe Zobel. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Chloe kay Eusebio. Allergic na allergic ito sa mga lalaking...