Kapitulo Labing Apat

6.1K 257 28
                                    

Eusebio 

GUSTO kong habulin si Chloe nang tumakbo ito  papasok sa loob ng bahay. Ngunit pinigilan ko ang sarili kong gawin iyon. 

Bumalik na lang ako sa mga kaibigan ko. Iinom ko na lamang itong nararamdaman kong kakaiba. 

"Nandito na si Eusebio! Simulan na natin ang inuman!" anunsiyo ni Donato. Napaiiling ako sa mga kaibigan ko pagdating sa inuman mabilis pa sa alas kuwatro ang mga ito.

Hindi ko na napansin si Jade. Baka umuwi na. Nag-akbyan kaming magkakaibigan. Naglakad lang kami patungo sa tambayan namin malapit sa ilog. May puno ng Nara doon. Madalas kaming tumambay doon lalo kapag pinapaliguan namin ang mga alagang kalabaw namin.

"Handang handa na kayo ah? May kuwatro kantos na kayong dala at pulutan." sabi ko.

"Aba siyempre naman. Kailangan naming maging handa. Sinabi namin kay Aling Iska na ikaw na ang magbayad ng iinumin natin." natatawang sabi ni Mariano. Mga kuripot ang mga kaibigan ko. Kahit naman noon ako ang laging taya sa inuman namin at si Donato ang pulutan.

Narating namin ang puno ng Nara. Napakatahimik ng lugar na ito at maganda ang kapaligiran. Malinis din ang ilog dito. Hindi kagaya ng ibang ilog madami ng mga basurang nakalutang. Pinapanatili namin na malinis ang ilog namin at kakahuyan. Dahil ito lang ang yaman naming mga tiga dito.

Nagsiupuan na kami sa malalaking bato na nandoon.

"Kumusta naman ang buhay niyo?" tanong ko sa mga kaibigan ko. Kinuha ko ang sinalinan ni Antonio. Tinungga ko iyon. Gumuhit ang tapang ng Gin sa lalamunan ko. Namiss ko ang lasa nito. Sa Maynila kasi bawal akong uminom dahil palaging nasa labas kami ni Chloe.

"Alam mo ba 'yang si Donato? Aba naman isa palang Prinsipe iyan! May nagpuntang mga taga ibang lahi noong isang araw dito sa ating baryo. Nagdugo ang mga ilong ng mga tao dito. Pero itong gago ipinagtabuyan lang ang mga lalaking nakadamit ng pormal." Napaiiling pa si Mariano. Napatingin ako kay Donato.

"Wala akong pakialam sa kanila. Matapos iwan ng ama ko ang Nanay ko 'tapos ngayon kailangan niya ng tulong saka niya maaalala. Gago din!" Aniya. Kita ang galit sa mga mata ni Donato. 

Inakbayan ko ito. "Sana kinausap mo na lang ng mahinahon ang mga taong iyon. Hindi naman makukuha sa karahasan ang pakikipag-usap sa kanila. Saka ama mo pa rin iyon. Kahit bali-baliktarin mo ang mundo. Sa kanya ka nagmula." Seryoso kong saad.

"Hindi naman iyon ang punto ko. Niloko niya ang Nanay ko. 'Tapos hindi niya pinanagutan ng mabuntis niya. Dahil hindi siya isang maharlika.  Na isa lang hamak na katulong nila. Ang masakit doon ipinakasal siya sa isang mayamang babae pero pumayag siya. Sinaktan niya ang damdamin ng Nanay ko. Pinangakuan niya si Nanay na pakakasalan niya pero hindi niya ginawa. Minahal niya ang ama ko kahit alam niyang langit at lupa ang kanilang agwat." Nagtagis ang bagang ni Donato.

"Walanghiya rin naman 'yang ama mo Donato. Dahil ikaw lang ang lalaking anak niya kaya ngayon hinanap ka. Para sumunod sa trono niya bilang prinsipe ng bansa nila. Tarantado din!" sabat ni Teodoro. Tumungga ito sa isinalin ni Antonio.

"Akala naman niya papayag ako sa kagustuhan niya. Manigas siya! May mga anak naman siya sa asawa niya. Bakit hindi na lang sila magmana ng punyetang trono na iyan!" Galit na sabi nito.

"Subukan mo kaya, tingnan natin kung bagay mo umupo sa trono habang may nakapatong na korona sa ulo mo!" Nagkatawanan kami sa biro ni Mariano. Binato ng kropek ni Donato ito na nailagan naman niya.

"Walang halong biro subukan mo baka ito na ang mag-aahon sa inyo sa hirap." sabi ni Mariano. Sumeryoso ang mukha ni Donato.

"Hindi ko pinangarap ang ganoong buhay. Kahit naman ganito lang ang buhay namin ni Nanay. Masaya kaming dalawa. Hindi ko hinangad ang maging prinsipe sa hindi ko nakagisnang bansa. Dito ako sa Pilipinas pinanganak at dito din ako mamatay." sabi nito.

Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon