Kapitulo Pito

6K 237 13
                                    

Eusebio 

Maaga akong gumising dahil ngayon ang biyahe namin nila Chloe at Simeona. Dito na natulog ang kaibigan ni Chloe. Nagpunta ako ng kusina upang magkape.

"Hi, Eusebio, magandang umaga." Bati ni Simeona. Mukhang maaga ang gising niya. 

"Nasaan si Ms. Zobel?" tanong ko kay Simeona. Natawa ng mahina si Simeona sa tanong ko. Kunot ang noo kong napatingin sa kanya. Ano naman nakatutuwa sa tanong ko?

"Ang pormal mo naman kay Chloe. Natutulog pa siya. Mamaya pa ang gising ng babaeng iyon. Siguro kailangan mong halikan para magising siya," biro sa akin ni Simeona. Napangiti ako habang napaiiling sa kanya.

"Siyempre naman amo ko iyon na dapat igalang. Baka magalit kapag sa pangalan ko tawagin. Kilala mo naman ang kaibigan mo na iyon." Sabi ko. Tumabi sa akin si Simeona at saka ibinigay sa akin ang tasa na may lamang kape na.

"Salamat." Sabi ko.

"Ayos lang ba kahit walang gatas iyan?" tanong niya sa kapeng ibinigay niya. Tumango ako. Gusto ko purong kape lang at konting asukal. Nasanay kasi ako na walang gatas sa kape. Para kasing hindi na kape ito.

"Ako kasi nasanay sa may gatas. Madalas kasing bumili si Tatay ng gatas ng kalabaw sa kapitbahay naming nagrarasyon sa lugar namin." sabi nito. Kumuha ako ng mainit na pandesal na binili ko sa labas ng Village. Wala kasi dito.

"Saan mo nabili itong pandesal. Wala naman nagtitinda dito ah?" kinuha nito ang isang piraso tsaka nito sinubo.

"Lumabas pa ako ng Village. Nilakad ko lang papunta sa bilihan ng tinapay. Nakita ko kasi minsan na may malapit na panaderya dito sa Village. Tumakbo kasi ako para pagpawisan." gawain ko kasi tumakbo tuwing umaga para mag-ehersisyo. Maganda kasi sa katawan para hindi hihina hina ang katawan ko. Lalo at nagbubukid ako.

"Wow okay iyan para maging healthy ka. Tsaka maganda ang pangangatawan mo. Ang mga kalalakihan dito sa Maynila sa gym sila nagsisipuntaham para mag-exercise. Wala na kasing oras para magjogging sa umaga." sabi nito.

"Gagastos pa para lang mag-ehersisyo. Hindi naman kailangan iyon. Maglakad lakad lang o kaya naman magbuhat ng mabibigat ayos ng pangbatak ng mga kalamnan." natawa kami pareho sa sinabi ko.

"Alam mo naman ang mga tao dito. Sa atin nga walang diet diet. Sila iwas sa mga kanin at mga matatabang pagkain." binigyan ko ulit si Simeona ng pandesal.

"Good morning." napalingon kami sa bagong dating. Bumungad sa amin si Chloe na nakapantulog. Napalunok ako ng napadako ang tingin ko sa bandang dibdib nito. Tila ba wala itong suot na pangloob. Kaya aninag ko ang kanyang dalawang tungkil sa dibdib. Kaya napabaling sa iba ang tingin ko.

"Hey, Chloe, good morning. Halika kape tayo." pag-anyaya ni Simeona kay Chloe. Naupo ito sa may tapat ko. Nginitian ko lang ito ng tipid.

"I'm so sorry kung ngayon lang ako nagising. Napasarap ang tulog ko." sabi nito.

"Pagkatapos natin mag-umagahan kailangan na nating maghanda. Baka abutan tayo ng trapik sa daan." sabi ko. Tumayo na ako upang maligo na at ilabas na ang mga gamit namin.

"Nakaligo na ako magbibihis na lang." sabi ni Simeona. Napatingin si Chloe sa akin.

"Iinom lang ako ng milk then I'm going to bath. I already fixed my stuff." Sabi nito sa amin ni Simeona. 

"Ako na maglalabas ng gamit mo Ms. Zobel." sabi ko. Tango lang ang tugon niya sa akin. Lumabas na ako ng kusina para maligo at maihanda na ang mga gamit namin. Pagkalabas ko ng silid ko dumiretso na ako sa silid ni Chloe para kuhanin na ang mga gamit nila ni Simeona. Kakatok na sana ako ng bumukas bigla ang pinto. Nagkagulatan kaming dalawa ni Chloe. Napababa ang tingin ko nakasuot ito ng bra at panty. Napatalikod ako bigla. 

Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon