Chloe
HALOS hindi ko malunok ang sarili kong laway dahil sa seryosong tingin ni Daddy sa amin ni Eusebio. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon? Gusto ko lang naman kasi madama ang katawan ni Eusebio. Nakababaliw pala kapag nasa isip mo lang at hindi mo magawa.
"Um, Tito, nagpa-practice po si Chloe. May scene po kasing medyo daring kaya si Eusebio ang ginawa niyang example sa isang scene." Biglang sabat sabi ni Jade.
"Totoo ba Eusebio?" tanong ni Daddy. Nagkatinginan kami ni Eusebio. Binalaan ko siya sa tingin na sumang-ayon sa sinabi ni Jade
"O-opo N-ninong. Pumayag po ako na ako ang magiging halimbawa po ni Senyorita Chloe" Napangiti ako ng alanganin ng bumaling ang mata ni Daddy sa akin.
"Totoo ang sinabi ni Eusebio Daddy. Huwag mo siyang pagalitan. Ako po ang may gusto nito" pagsisinungaling ko.
"Puwede ka na sigurong umalis sa kandungan ni Eusebio. Parang sarap na sarap kang nakaupo diyan." Sabi ni Daddy. Kaya tumayo ako at bahagyang itinulak si Eusebio.
"Akala ko Daddy next week pa kayo uuwi?" pag-iiba ko ng usapan. Yumakap ako kay Daddy at humalik sa pisngi nito.
"Hindi natuloy ang gagawin sana namin sa Maynila. Kaya umuwi na lamang ako. Marami pa akong natirang gawain dito. Kumusta naman ang pamamasyal mo dito?" tanong ni Daddy.
Hindi ako makatingin ng maayos kay Daddy. Baka isipin ni Daddy may ginagawa na akong kalokohan. Eh sa totoo mayroon naman talaga. My gosh hindi ko talaga akalain na magagawa ko iyon? Ako talaga ang gumawa ng way para madama ang mabato batong dibdib ni Eusebio. Ang sarap kasing hawakan. Natural na natural. Hindi kagaya ng iba na mamasel pero parang malambot naman. Ano ba iyon?
"Are you alright Chloe anak?" tanong ni Daddy kaya nawala ang pinagpapantasyahan kong muscle ni Eusebio.
"I'm okay Dad. Join us here." pag-aaya ko kay Daddy.
"Kumain na ako. Magpapahinga lang muna ako. Mauuna na ako sa inyo." pagpapaalam ni Daddy sa amin. Nakahinga ako ng maluwag ng nakaalis na si Daddy. My god I feel like I committed a crime. I'm so malandi naman kasi.
"Chloe, bakit mo naman ginawa iyon? Muntik ka na? Buti na lamang mabilis akong mag-isip ng irereason. My god Chloe you're so landi!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sinamaan ko ito ng tingin.
"I'm not malandi. You kaya?!" sabi ko. Kumandong lang sa lap ni Eusebio at hinawakan ko lang ang dibdib niya malandi na kaagad? Hindi ba puwedeng curious lang ang kagandahan ko. Ang hot kasi ngayon ni Eusebio. Ewan ko ba kung bakit? Samantalang noon napapangitan ako sa kanya. What just happened to me?
Napasulyap ako kay Eusebio na namumula na kahit moreno ito halata sa mukha niya. Nahihiya tuloy ako sa kanya.
"Mauuna na ako sa inyong dalawa." paalam nito sa amin. Hindi man lang niya ako sinulyapan. Napasimangot ako. Hindi kaya niya nagustuhan ang ginawa ko? Aba masuwerte siya dahil nakandong niya ako tapos nagkiss pa kami. Nag-init ang pisngi ko ng maalala ko ang halikan namin kanina. Hindi man iyon kainan ng dila sa dila. Pero my god para sa akin ang intense na nun. Kahit simpleng dampi dampi lang.
"Hoy, napapaghahalata ka Chloe. May gusto ka kay Eusebio no? Hay naku aminin mo na kasi. Halata naman sa kinikilos mo." napatingin ako kay Jade na ngayon ay kumakain ng Papaya.
" No I don't really like him. I'm just being curious, that's why I did that. Don't put malice to it." ginaya niya ako sa pagsasalita pero walang tunog. Napatirik ako ng mata.
"Sus,mabenta na iyang mga sinabi mo. Well artista tayo kayang kaya nating lusutan ang mga intriga kahit totoo naman. I understand you. Basta huwag mong sasaktan si Eusebio. Kahit sabihin natin lalaki siya. Pero siya iyong tipong ikikeep mo. Parang rare na ang katulad niya. Imagine mo kung sa ibang lalaki lang iyan baka narape ka na. Pero siya may paggalang pa din. Para ngang ikaw ang nanghaharass kay Eusebio eh!" sabay tawa nito.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)
RomanceSi Eusebio Makalintal isang binata galing probinsya ng Mindoro. Nagtrabaho siya bilang bodyguard sa isang magandang modelo/artista na si Chloe Zobel. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Chloe kay Eusebio. Allergic na allergic ito sa mga lalaking...