Kapitulo Labing Pito

6.6K 250 31
                                    

Eusebio 

PARANG isang panaginip ang lahat. Pagkatapos ng nangyari ay ganito na kami ni Chloe. Malapit sa isa't isa na halos hindi na kami mapaghiwalay. Nakayakap sa akin si Chloe habang nakabaon ang ulo nito sa dibdib ko. Hinagkan ko ang ibabaw ng kanyang buhok na sobrang bango. Kahit yata pagpawisan yata ito ay napakabango pa rin.  

"Eusebio, salamat sa lahat  dahil palagi mo akong inililigtas. You are a really my savior." Napatingala ito sa akin. Napalunok ako nang mapatitig sa kanyang magandang mga labi. Naamoy ko pati ang kanyang mabangong hininga.

"Trabaho ko na bantayan ka aking Senyorita. Kapag may masamang mangyari sa iyo hindi ko mapatatawad ang sarili ko." Sabi ko. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Napayakap na lang sa akin si Chloe.

"Bakit Senyorita pa rin ang tawag mo sa akin? Nagyayakapan na nga tayo napakapormal mo pa rin." Aniya. Natawa ako ng mahina.

"Amo kita kaya marapat na igalang kita." Gusto ko rin siyang tawaging babe pero nahihiya naman ako. Wala naman kaming relasyon pero bakit kailangan ko siyang tawaging ng ganun?

"Mas maganda kung may endearment ka na sa akin. Kasi tayo na 'di ba?" Napatigil ako sa paghaplos sa kanyang buhok. Ibig sabihin kami na pala sa lagay na ito? Napalunok ako. Handa na ba ako?

Nagbitaw kami pareho mula sa pagkakayakap nang may malakas na tumikhim mula sa likuran namin. Bigla akong ninerbiyos. Dahan-dahan pa akong lumingon. Napalunok ako ng laway nang makita ko si Ninong - nakatayo sa pintuan at seryosong nakatingin sa amin.

"Puwede ko bang makausap ng sarilinan si Eusebio?" tanong nito kay Chloe. Tiningnan niya ako.

"Dad, I want to be here. May sasabihin rin kami ni Eusebio." Parang gusto kong panlamigan ng buong katawan. Kay bilis naman kasi ng pangyayari. Wala ng ligawang naganap kami na pala ni Chloe. Hindi ko alam. Biglang ninerbiyos ang lolo niyo. Siguro nga ay tunay na isa akong torpe o talagang sadyang mahina ang loob ko. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago magsalita. Kahit kabadong-kabado ako. Nandito na kami kailangan kong harapin si Ninong.

"Ninong may sasabihin po ako." lumunok ako ng laway ko.

"Gusto ko po sanang sabihin sa inyo na may namamagitan na po sa amin ni Chloe. Patawad po Ninong kung hindi ko po hiningi ang permiso ninyo na ligawan ko muna si Chloe. Hindi ko po kasi namalayan na seryoso na po ang aming nararamdaman para sa isa't isa. Alam ko pong hindi maganda ang ginawa ko. Patawad po Ninong. Mahal ko po si Chloe." Diretsahang sabi ko. Napatingin sa akin si Chloe. Bahagya ko siyang nginitian. Mahal ko naman talaga.

"Hindi ko lang kasi maamin noon dahil iniisip ko pong hindi ako nababagay sa katulad ni Chloe. Isa lang po akong probinsyano at hindi naman kaguwapuhan. Wala rin po akong maipagmamalaki kung hindi ang aking paninindigan bilang isang lalaki. " Lumunok muna ako bago ko ipinagpatuloy ang aking sinasabi. . .

"Ninong alam ko pong napakabilis ng pangyayari. Ayaw ko na pong magsinungaling sa aking sarili at higit po sa inyo. Gusto ko pong pormal na hingin ang kamay ng inyong anak. Alam ko pong napakaaga pa ngunit kung tututol po kayo ay igagalang ko po ang inyong pasya dahil kayo po ang ama niya." Halos panikipan ako ng paghinga nang matapos ko ang aking sinasabi.

Napahawak ng mahigpit sa akin si Chloe. Seryosong nakangin lang sa amin si Ninong. Bago ito umalis ay may sinabi muna siyang ikinagulat namin ni Chloe.

"Eusebio, hindi naman ako magiging hadlang sa inyong relasyon ng anak ko. Pero bago mo makuha ang kamay ng anak ko kailangan mong gawin ang mga tradisyon ng mga kalalakihan dito sa ating barrio. Bago nila makuha ang kamay ng kanilang nililigawan kailangan dumaan sa pagsubok.  Bibigyan kita ng isang buwan. Kapag pasado ka sa lahat ng pagsubok ay saka ko palang ibibigay ang kasagutan ko." Pinal na sabi ni Ninong saka umalis at naiwan kaming dalawa ni Chloe na laglag ang panga. Tinanaw namin pareho ni Chloe ang papalayong bulto ni Ninong.

Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon