Eusebio
ISINAMA ko ang dalawa para makilala ng mga kaibigan ko. Pero humiwalay muna dahil magtitingin tingin sa mapunong bahaging lugar.
Medyo lumayo ako kay Chloe hindi ko kasi maiwasang pangilagan siya sa tuwing nasa malapit lang siya. Natatakot ako na baka bigla na lang niya ako gahasain. O 'di kaya naman bigla na naman niyang dakmain ang ano ko. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko kung nagkataon baka mahalika ko na siya.
"Eusebio, manila boy!" bati sa akin ni Donato. Natatawang nilapitan ko ang kaibigan ko.
"Kumusta na kayo? Pasens'ya na hindi ako makapag-text kasi wala akong cell phone." Sabi ko.
"Ayos lang iyon wala rin naman kaming cell phone." Nagkatawanan kami. Oo pala wala ring cell phone ang mga kaibigan ko. Hindi kasi naming hilig ang ganoong aparato. Dito sa amin mas sanay kaming mag-usap ng harapan. Kung magkayayaan, pupunta na lang kami sa mga bahay nila.
"Pards! Miss you. O, ha, napa english na ako." Pagbibiro naman ni Mariano. Nagyakapan kaming dalawa. Kahit ilang buwan lang na hindi ko sila nakita at nakausap ay nangungulila ako sa mga kaibigan ko. Halos buong buhay namin magkakasama na kami- sa hirap at ginhawa nagdadamayan kaming magkakaibigan. Magkakapatid ang turingan namin sa isa't isa. Kaya kung may mahiwalay man sa isa sa amin, nakakapangulila din.
"Kumusta, pards!" nagkamayan naman kami ni Antonio.
"'Buti naman nakadalaw ka dito." sabi naman ni Antonio. Tinapik ko siya sa balikat.
"Nakabakasyon si Senyorita Chloe. Kaya napasama ako sa bakasyon niya." Nakangiti kong sagot.
"Inuman tayo mamaya Eusebio. Aba libre mo kami!" sabi ni Antonio.
"Sige ba hindi ko tatanggihan iyan. Libre ko ang inumin natin." Napangiti ang mga kaibigan ko.
"Ayos! Galante ang Eusebio ngayon ah! Doon tayo sa dati nating tambayan." Suhestiyon ni ni Donato.
Napatingin kami ng mga kaibigan ko sa paparating- si Chloe at si Simeona. Napalunok ako ng makita ko kung gaano kaikli ang kasuotan nitong pambaba. At nakasuot na naman ito ng walang manggas na damit. Kaya kita ang makinis nitong balat. Parang wala na namang suot na panloob si Chloe dahil kahit itim ang kulay ng damit nito aninag ang kanyang tungkil. Bakit ba hindi mahilig magsuot ng panloob ang babaeng ito?
"Nandito pala ang mahal na kondesa. Sino ang kasama niya pards?" bulong na tanong ni Antonio.
"Katrabaho at kaibigan ni Senyorita Chloe. Sumama sa amin para magbakasyon rin." Mas lalong nagwala ang sistema ko ng makalapit na ng tuluyan ang dalawa. Titig na titig kasi si Chloe sa akin. Habang may pakagat pa siya ng kanyang pang-ibabang labi. Gumalaw ang gulunggulungan ko. Diyos ko huwag mo pong hayaang manuno na naman ako sa punso.
Chloe
Titig na titig ako kay Eusebio. Gustong-gusto kong magpabuhat sa kanya habang yakap ang matitipuno niyang mga bisig at ang naglalakihan niyang mga muscle sa dibdib. Gusto ko rin ang kanyang mabalahibong dibdib. Mas lalo siyang nagiging hot. Ewan ko sa sarili ko kung bakit ganito na ako. Mukha akong nilukuban ng masamang espiritu. Hindi ako titigil hangga't hindi napapasaakin ang kanyang katawan. Napakagat labi labi ako.
"Hi, mga pogi! I'm Simeona but you can call me Jade my screen name in showbiz" maarteng sabi ni Jade sa mga kaibigan ni Eusebio. Mapapa wow ka sa kanila. Dahil lahat sila pogi at mga macho. Ang tatangkad pa nila. Hindi ko akalaing mga probinsyano ang mga ito.
Lumapit ang isang matangkad na lalaki. Parang hindi siya pinoy. Para ngang may lahi ito. Base sa kulay ng mata nito. Parang blue na green. Hindi mo lang kasi mapapansin dahil itim ang buhok nito at kayumanggi ang kulay ng balat nito. Nababad sa initan. Kinuha nito ang palad ni Jade at hinagkan ang likod ng kamay nito. Kinikilig naman ang babaeng ito. Akala mo may sili ang puwet.
![](https://img.wattpad.com/cover/185116189-288-k920083.jpg)
BINABASA MO ANG
Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)
RomanceSi Eusebio Makalintal isang binata galing probinsya ng Mindoro. Nagtrabaho siya bilang bodyguard sa isang magandang modelo/artista na si Chloe Zobel. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Chloe kay Eusebio. Allergic na allergic ito sa mga lalaking...