Kapitulo anim

6.2K 255 25
                                    

Eusebio

"I think kailangan mong magbreak muna sa showbiz anak. Punta ka sa probinsya at magstay ng ilang buwan doon. Tutal natapos mo naman na ang mga commitment mo" sabi ni Ninong sa anak nito.

"I think it's a good idea Dad. I've been stressed out these past few months. I need a break for a while." sang-ayon ni Chloe sa suhestiyon ng ama.

"Sasamahan ka naman ni Eusebio. Alam kong hindi ka niya pababayaan." tinapik ni Ninong ang balikat ko. Napangiti ako ng tipid. Napasulyap sa akin si Chloe na parang nahihiya.

"Ayos lang Ninong. Wala naman po akong ginagawa sa probinsya. Puwede ko din po siya ipasyal doon para naman malibang siya" sabi ko. Napasulyap ako kay Chloe. Nakatingin siya sa akin. Parang may iba sa kanya ngayon. Hindi ko mawari kung ano iyon.

"So bukas puwede na kayong pumunta doon. Susunod na lamang ako. Dahil may aattendan pa akong summit dito sa Manila." sabi ni Ninong. Tumango ako bilang tugon.

"O siya sige maiwan ko na muna kayong dalawa. Pupunta pa ako sa Quezon City. Magkikita kami doon ng kumpare ko." tinapik ni Ninong ang balikat ko. Si Chloe naman humalik sa pisngi ng ama.

Nang nakaalis na si Ninong. Naging tahimik ang paligid. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Kaya nagpasya na akong umalis. Hindi naman sa nahihiya ako na kausapin siya. Baka kasi singhalan na naman ako. Nakatalikod na ako ng magsalita ito.

"E-Eusebio, you can join me to take a snack with me" pag-anyaya nito sa akin. Lihim akong napangiti dahil mukhang ayos na ang pakikitungo nito sa akin.

"Huwag na Ms. Chloe. Mamaya na lamang ako magmemeryenda" pagtanggi ko.

"Please." Napaigtad ako ng hawakan niya ang braso ko. Dinaluyan ng kuryente ang katawan ko ng magdaiti ang balat namin. Kaya napalayo ako ng kaunti sa kanya.

"Sige, Ms. Chloe" sabi ko na lamang. Ayoko ng ganito. Iba na ang nararamdaman ko habang napapalapit ako sa kanya. Mas gusto ko pa yata na hindi maganda ang trato niya sa akin. Parang nahuhulog na ako sa kanya. Ayokong mahulog sa kanya. Si Crisanta lang ang dapat ang nasa puso ko.

Nauna na itong pumasok sa kusina. Nakita namin si ate Melai na naghahain ng meryenda. Nasamyo ko ang bango ng ginataang mongo. Naalala ko doon sa probinsya madalas mag ginataang mongo si Inang. Hinahatiran niya kami ng meryenda sa bukid.

"O, nandito na pala kayong dalawa. Umupo na kayo at makakain. Chloe iha gusto mo ba sa dining table na lang kumain?" tanong nito kay Chloe. Hindi kasi sanay ito sa kusina kumakain. Diring diri nga itong manatili dito kahit ilang minuto lang.

"I'm okay here, Manang." sabi nito. Napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na gusto niyang kumain dito kasama namin.

 Mabuti naman, hija. Mas masarap ang may kasalo dahil gaganahan kang kumain. Hindi ba Eusebio?" napaangat ako ng tingin kay ate Melai.

"Oo naman po, ate. Kaya nga po dito ang gusto ko. Marami pong makakausap." sabi ko. Nagsidatingan ang iba pang katulong at ang guard. Napahinto sila nang makita nila si Chloe.

" Mamaya na lang po kami kakain ate" sabi ng isang katulong na mas bata sa amin. Aalis na sana sila ng pigilan ni Chloe ang pag-alis nila.

"It's okay puwede kayong kumain kasama ko." Nagkatinginan sila sa sinabi ni Chloe. Nakapagtataka naman kasi siya. Hindi niya kasi ugali ang makisalamuha sa kagaya naming mahihirap at mas lalong ayaw niyang kumain sa ganitong lugar -  lugar ng mga katulong. Hindi naging madali sa amin na makasalo ang maarteng kondesa. Alam kong hindi ito sanay. Napipilitan lamang siya.

HABANG nagpapahangin ako sa may hardin napansin kong may humintong sasakyan sa harapan ng bahay nila Ninong.

May pumasok na isang babae na sa tingin ko kauri ng mahal na kondesa. Maganda ito manamit parehas ng pananamit ni Chloe. Lumabas sa salas ang amo ko. Nagyakapan ang dalawang babae. Napalingon sila sa kinaroroonan ko. Ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Nang tingnan ko ulit sila nakita kong pumasok na ang mga ito sa loob ng bahay. 

Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon