Eusebio
HINDI talaga ako makapaniwala na nagawa ni Chloe ang hawakan ang aking ano. Hindi ko alam kung may sumanib na masamang nilalang sa kanya. Iba kasi ang naging gawi niya. Hindi siya ang Chloe na kilala ko. Para siyang hayok na hayok sa ano ko. Alam ko naman na talagang may ipagmamalaki ang ano ko dahil kahit pinoy ako malaki at mahaba talaga siya.
Nagpunta muna ako sa kuwadra ng mga kabayo para magpakalma ng ano ko. Nagwawala na baka isang himas na lang hindi ko na kayang pigilan. Masibasib ko na nang halik si Chloe. Nakakaaya pa naman ang kanyang mga labi. Napapunas bigla ako ng noo ko. Pinagpawisan ako ng butil-butil.
"Eusebio nandito ka pala. Ang kisig natin ngayon ah?! Iba talaga kapag nakarating ng Maynila. Para artista ang tindig mo ngayon." sabi ng kaibigan ko dito sa hasyenda.
"Ikaw naman Robert ako pa rin ito? Damit lang ang nagbago. Alam mo naman kailangan kong magdamit ng maayos. Hindi puwede sa Senyorita na mukha akong busabos, artista iyon at sikat sa Maynila." sabi ko.
"Ang suwerte mo nga dahil ikaw napili ni Senyorita Chloe. Hindi ba masyadong mapili iyon sa mga taong nakakasalamuha niya? Kaya nga kami ilag na ilag na lumapit sa kanya. Baka kapag nakita kami bigla na lamang kaming alisin dito sa hasyenda." tinapik ko ang balikat nito.
"Hindi naman siguro. Mataray lang iyon pero hindi naman nakikialam sa hasyenda." pagtatanggol ko sa kanya.
"Gusto mo ba makita si puti? Malaki na siya puwede mo ng sakyan. Medyo paamuin mo baka kasi hindi ka na niya kilala. Ang tagal na din mula ng nakita mo iyon." napangiti ako. Madalas ako dito noon. Lalo dito sa kuwadra ng mga kabayo. Si puti ang pinakapaborito kong puntahan. Namamangha ako sa kulay nitong puting puti. Sabi ni Ninong galing pa daw iyon Poland. May nagregalo daw sa kanyang kaibigan.
Pinuntahan ko ang kabayo. Binuksan ni Robert ang kulungan ni puti. Namangha ako kasi ang laki na nga nito. Napakaganda ng tindig nito. Nilapitan ko ito. Hinimas ko ang kanyang balikat. Gumalaw ito kaya napaatras ako.
" Puti ako ito si Eusebio." sabi ko ko. Sinimulan ko ulit itong hawakan at haplusin ang panga nito. Tumitig ako sa mata nito habang hinahaplos ko ang kanyang ilong. Napangiti ako ng ginalaw galaw nito ang ulo nito na ibig sabihin nakilala na niya ako.
"Kilala ka na ni puti. Puwede mo ng sakyan. Si Senyor Zobel lang ang nakakasakay diyan. Ayaw sa iba." dahan dahan akong sumakay sa likod nito. Hindi naman ito pumalag. Hinimas ko pa ang gilid ng likod nito.
"Mamasyal tayo puti ha?" kausap ko sa kabayo. Ginalaw niya ang ulo nito tanda na sumasang-ayon siya.
Sinimulan kong igalaw ang apakan upang palakarin ang kabayo. Dahan-dahan ang paglalakad ni puti. Nang masanay na siya sa akin saka ko pinatakbo ng mabilis. Umikot lang kami sa may paligid ng hasyenda. Ayokong lumayo at baka naman may mga ahas sa daan.
Chloe
"Ano ba Chloe mag-stay lang ba tayo dito sa bahay? My god! Kaya nga tayo nagpunta dito hindi para matulog at kumain lang! Hay naku ang landi-landi mo kasi kaya nahiya na si Eusebio sa iyo. Ikaw ba naman dakmain mo ang agila niya! Naku sinong hindi matatakot sa iyo. Alam mo 'yung hitsura mo kanina para kang mangangain ng agila. Oh my god!" Napatirik ako ng mga mata. Ang harsh niya sa akin. Ako mukha mangangain ng agila? Napakagat labi nang maalala ko kung gaano kalaki ang agila niya.
"Ano ba saan tayo pupunta?!" reklamo ko ng hilain ako bigla ni Jade palabas ng hasyenda. My god! Nakapekpek short lang ako, tapos nakasando na walang bra. 'Buti na lang color black ang sando ko. 'Tapos naka-tsinelas lang ako.
"We're going out. Nabuburyong na ako sa loob ng bahay! Puro sulok na lang ng pagmumukha mo ang nakikita ko doon. My god naman Chloe!Nakakasawa na ang pagmumukha mo!" exaggerated na sabi nito. Napalabi ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/185116189-288-k920083.jpg)
BINABASA MO ANG
Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)
RomanceSi Eusebio Makalintal isang binata galing probinsya ng Mindoro. Nagtrabaho siya bilang bodyguard sa isang magandang modelo/artista na si Chloe Zobel. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Chloe kay Eusebio. Allergic na allergic ito sa mga lalaking...