Kapitulo Lima

6.3K 258 31
                                    

Eusebio

Nakauwi na kami sa bahay ngunit hindi pa rin tumitigil si Chloe sa pag-iyak. Takot na takot siya.

Pinangko ko na lamang dahil hindi nito kayang tumayo dahil sa sobrang takot na nararamdaman nito sa nangyari kanina. Naramdaman ko ang kanyang kamay na yumakap sa aking leeg.

"Nandito na po tayo Ms. Chloe." sabi ko. Nakarating na kami sa silid niya. Nakasunod sa amin si ate na may pag-aalala sa kanyang mukha. Maingat ko siyang ibinaba sa kama.

"Anong nangyari sa kanya Eusebio bakit umiiyak si Chloe? Diyos ko! Tahan na," pagpapatahan ni ate kay Chloe.

"May nambastos pong dalawang lalaki sa kanya kanina. 'Buti na lamang po hindi pa nila nadadala si Ms. Chloe nang makita ko." sabi ko. Paano kaya kung umalis ako? Siguradong may masamang nangyari na sa kanya.

"Lalabas na po muna ako. Kayo na pong bahala sa kanya." sabi ko.

"Sige hijo, ako ng bahala kay Chloe. Magpahinga ka na." lumabas na ako ng silid ng amo ko. Kung hindi ko sana pinairal ang init ng ulo ko, hindi sana nangyari sa kanya iyon, kaya may kasalanan rin ako.

Lumabas ako sa may garden at naupo sa upuan na naroon. Napabuntonghininga ako. 

"Eusebio," napaangat ako ng tingin. Napatayo ako dahil nandito na pala si Ninong. 

"Ninong, kayo po pala. Kailan po kayo dumating," bigla akong kinabahan. Baka pagalitan ako ni Ninong dahil pinabayaan ko ang anak niya. 

"Kadarating ko lang. Nasabi ni Melai ang nangyari. Salamat, hijo, hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili kong bodyguard para kay Chloe. She's in good hands." sabi ni Ninong. Ayaw kong magsinungaling sa Ninong ko. Humugot muna ako ng malalim na paghinga.

"Ninong nagkaroon po kami ng pagtatalo ni Chloe kanina. Kaya iniwan ko po muna sandali. Pero hindi naman po ako tuluyang umalis dahil pinakalma ko lang po ang sarili bago ko po siya balikan." Paliwanag ko kay Ninong. Inakbayan ako ni Ninong. Akala ko ay pagagalitan niya ako ngunit nagkamali ako.

"Alam ko naman ang ugali ng anak ko kaya hindi malayong mainis ka kung minsan. Natutuwa nga ako sa iyo dahil kahit anong sama ng ugali ng anak ko pinagpapasensyahan mo pa rin siya. Kilala kita Eusebio isa kang mabuting bata. Mula pagkabata mo alam ko na ang ugali mo," tinapik ni Ninong ang balikat ko.

"Salamat po, Ninong. Pero may kasalanan pa rin po ako kay Chloe. Kaya humihingi po ako ng paumanhin sa nagawa ko sa kinakapatid ko." Sabi ko. Bali- baliktarin man ay may kasalanan pa ako. Dapat ginawa ko ang trabaho ko ngunit mas pinili kong mapikon na hindi dapat.

"Magpahinga ka na. Bukas kakausapin ko ang anak ko." Sabi ni Ninong. Tumango ako. Dumiretso na ako sa silid ko. Napahinto ako ng makita ko si Chloe na nasa tapat ng pintuan ko. Nakasuot siya ng pantulog. Napalunok ako ng makita ko kung gaano kaganda ang katawan niya. Hindi ako mahalay na tao pero sadyang nakaaakit ang kanyang kurba ng katawan. Lalaki ako kaya natural na maramdaman ko ang pag-iinit. Pero kahit may pakiramdam akong ganoon. Hindi ako isang manyak. Kaya ko naman pigilan. Para sa akin kasi dapat iginagalang ang mga babae. Kahit ano pa ang kanilang kasuotan. Hindi dapat sila binabastos.

"Ms. Chloe magpahinga ka na. Alam kong natakot ka sa nangyari kanina. Kaya mas mabuting ipahinga mo muna ang sarili mo. Humihingi ako ng paumanhin dahil iniwan kita kanina. Hindi sana mangyayari sa iyo yun." sabi ko. Napatingin ako sa kanyang labi. Kahit noong kabataan namin. Palagi kong tinititigan iyon. May maganda kasing hugis ang labi ni Chloe. Iyon ang una mong mapapansin sa kanya. Nagyuko ito na parang nahihiya. 

"I-I'm really really sorry Eusebio. I've been so bad for you. And so mean to you" napatingala ito sa akin. nagkatitigana kaming dalawa. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito hindi naman ako ganito dati. Inaamin ko na may paghanga ako sa kanya dati pa. Pero hindi ko sineryoso ang nararamdaman kong iyon. Dahil hindi ko gusto ang ugali niyang mapagmataas at mayabang. 

Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon