Chloe
"ANO ka ba Chloe hindi ka puwedeng lumapit kay Eusebio habang nasa challenge pa siya ng Daddy mo. Gusto mo ba na tuluyan nang hindi mo na makita si Eusebio?" sumama ang pakiramdam ko sa sinabi ni Jade. Ayokong mangyari iyon. I want Eusebio in my life. Siya na ang lalaking para sa akin. Siya na ang tinitibok ng puso ko.
"Nakakainis naman kasi! I want to see him!" naiinis na sabi ko. Nagpapadyak ako dahil sa sobrang frustration. Alam mo yung feeling na gusto mong gawin pero hindi naman puwede. Nakakafrustrate talaga!
"Muntik na nga tayong makita ng Daddy mo ng hilahin mo si Eusebio. 'Buti na lang mabilis akong mag-isip, na-distract ko siya! Diyos ko, ako ang kinakabahan sa iyo! Para kang gutom na gutom sa lalaki! My God! Chloe, ikaw ang nakikita kong mas aggressive kaysa kay Eusebio. Para ngang nire-rape mo na nga siya." Inirapan ko siya. Ang OA ng sinabi niya. Nire-rape? Hindi naman totoo iyon. Totoo ba 'yun?
"Masisisi mo ba ako Jade? I miss Eusebio, hindi ko kayang mawaglit man lang siya kahit isang saglit lang. Imagine, one month kaming hindi magkikita? Ang hirap nun!"
Kaya hindi na ako makapaghintay na mayakap at maghakan ang mga labi ni Eusebio. Nakaka-adik naman kasi ang labi niya. Para kasing ang sarap papakin, lasang probinsyano. Kinikilig ako kapag nai-imagine ko na naghahalikan kami.
"Ang landi-landi mo kasi! Naku ha, Chloe, pigilan mo 'yang kalandian mo kung gusto mo pang makita pa si Eusebio, kilala mo ang Daddy mo. Mabait 'yun sa mabait pero kapag nagalit mas istrikto pa sa istrikto." Napatirik ako ng mga mata.
"I know right? Kahit patanaw-tanaw lang masaya na ako. Kaya pagbigyan mo na ako, please? Samahan mo ako sa lugar kung saan si Eusebio." Pakiusap ko kay Jade. Napatitig ito sa akin.
"Kapag nabuko tayo ng Daddy mo ikaw ang itututro kong salarin!" Napairap ako sa kaibigan ko.
"Oo na!" Sabi ko.
Para kaming magnanakaw na patingin-tingin sa paligid habang naglalakad. Baka kasi mapansin kami ni Daddy na aali-aligid. Napatago kami ni Jade nang makita namin sila Daddy at Eusebio papuntang bukid. Biglang dumagundong ang tibok ng puso ko ng makita ko ang pinakapogi at pinakamacho na si Eusebio. Niyugyog ko ang braso ni Jade dahil sa kilig.
"My God! Jade, ang pogi ng mahal kong si Eusebio! Napaka-macho niya pa!" bulong ko kay Jade.
"Puwede ba, Chloe, stop shaking me!" reklamo nito. Pinalis nito ang kamay ko na nakakapit sa braso niya.
"Hayun si Eusebio, dali sundan natin!" Hinila ko si Jade sa braso nito. Wala na itong nagawa kung hindi sumunod sa akin. Sinundan namin ito patungo sa taniman ng mais. Kawawa naman ang babe kong si Eusebio. Walang mga manggagawa dahil siya ang gagawa ng gawain ng mga tauhan namin.
"Dito lang ba tayo? Mukha tayong may gagawing masama sa hitsura natin, nagtatago! My God Hindi ko keribels ang magmanman ng taong naka-half naked habang gumagawa sa bukid. Nate-tempt akong hawakan ang muscle ni Eusebio. Ang macho niya pala kapag nakahalf-naked habang mayputik ang fitted niyang pants. Bakat na bakat ang kanyang teylong." Titig na titig ito sa katawan ni Eusebio. Anong teylong? Itinulak ko siya. Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa pagtulak ko sa kanya.
"Bawal mong pagnasaan ang boyfriend ko! Ako lang ang magnanasa sa kanya wala ng iba! Akin siya akin!" Napanguso si Jade sa sinabi ko.
"Ang OA, ha, makaakin ka naman! Boyfriend? Hindi pa kayo uy?! Kaya nga ginagawa niya ito para pumayag ang Daddy mo sa relasyon ninyo." Napatirik ito ng mga mata. Ganoon rin ang ginawa ko. Bakit kasi isinama ko pa ito. Ang reklamadora niya.
"Whatever! Basta kami na ni Eusebio, kahit may ganyang pagsubok. Walang makapipigil sa akin kahit si Daddy pa 'yan." Napaiiling si Jade sa katigasan ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)
RomanceSi Eusebio Makalintal isang binata galing probinsya ng Mindoro. Nagtrabaho siya bilang bodyguard sa isang magandang modelo/artista na si Chloe Zobel. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Chloe kay Eusebio. Allergic na allergic ito sa mga lalaking...