Kapitulo Dalawamput Tatlo

6.3K 235 26
                                    

Eusebio 

MABILIS dumaan ang araw, hindi namin namalayan ni Chloe na isang buwan na pala ang pagsubok. Masaya naman ako dahil nagawa naman namin ang lahat ng inaatas sa amin ni Ninong. Mahirap noong una pero kalauna'y nasanay na rin kami, lalo na si Chloe. Nakaya naman niyang lagpasan ang mga pagsubok.

Napasandal sa likod ko si Chloe dahil sa sobrang pagod. Nagbunot kasi kami ng damo sa hardin.

"Magpahinga ka na muna mahal ko. Ako na munang bahala dito." sabi ko.

" Ayos lang ako Eusebio. It's so unfair naman na ikaw lagi sumasalo sa mga gawain ko. We should help each other. Ww are couple kaya pareho nating gawin ang trabaho. Napalingon sa akin si Chloe.

" Talaga ba?" hindi makapaniwala na tanong ko. Malaki na nga pinagbago ni Chloe. Hindi na siya kagaya ng dati na diring diri sa paghawak ng lupa.

Flashback

"Eusebio, ito pa 'yung sako. Dito natin ilagay ang mga damo. 'Buti na lang pinayagan tayong magtrabaho dito sa hasyenda." Sabi ni Teodoro.

Nakitulong kami sa mga kakilala naming hardinero dito. Pumayag naman si Ninong na magtrabaho kami. Para daw hindi na kami lumayo pa. Madalas kasi kaming nakikita ni Ninong palaging nakatambay sa may ilog. Ipinagbabawal niyang pumunta kami doon. Dahil delikado sa tulad naming bata. Madami na kasing nalunod doon. Malakas kasi ang agos ng tubig.

"Oo nga pambaon din natin ito." sabi ni Mariano.

Habang nililinis namin ang bakuran ng Pamilyang Zobel. Nakita ko si Senyorita Chloe na lumabas ng bahay. Napalingon ito sa kinaroroonan namin.

Siniko ako ni Donato.

" Yung crush mo Eusebio." Tudyo niya sa akin. Napatitig ako sa magandang mukha ni Chloe. Nakasuot ito ng bestidang kulay rosas. may ribon ang kanyang ulo na kapares ng kulay ng damit nito. Nakasuot pa ito ng kulay rosas na sapatos. Napakaputi ng kulay ng kanyang balat, kumpara sa amin na kulay kayumanggi.

"Magandang araw, senyorita." Sabay-sabay naming bati sa kanya.

"What are you all doing here?! And look at you? You're so gross!" Mataray na tanong niya sa amin. Habang diring-diring nakatingin sa amin. May putik kasi ang mga damit namin, dahil sa paglilinis namin ng hardin. Nagulat ako ng sumulpot sa harapan ko si Donato.

"Bakit ikaw ba ang may-ari ng bahay? Inimbitahan kami ng Daddy mo dito. Saka wala naman kami sa loob ng bahay niyo, ah? Kung makatanong ka naman parang may ginawa na kaming masama. Hindi naman kami nakakadiri, malinis kami! Naglinis kami ng hardin kaya may putik ang damit namin!" Sabi ni Donato. Hinawakan ko ang balikat niya. Napalingon ito sa akin. Umiling ako para balaan siyang hindi dapat niya sinagot si Chloe. 

"Pagpasensyahan mo na senyorita ang inasal ni Donato." Paghingi ko ng paumanhin kay Chloe. Sinamaan niya kami ng tingin. Tumalikod na ito at nagpunta sa swing. Siniko ko si Donato.

"Ikaw talaga pinapatulan mo pa si senyorita. Mamaya niyan magsumbong 'yan kay Ninong. Mapaalis pa tayo dito." Bulong ko. Ngumuso si Donato.

"Ang sama naman kasi ng ugali niya. Wala naman tayong ginagawang masama sa kanya. Kung makaapi sa atin parang may ginawa na tayong masama." Naghihinanakit na litanya ni Donato.

"Hayaan mo na si Senyorita. Hindi ka na nasanay sa kanya. Lagi naman niya tayong sinasabihan ng masama. Hindi na lang dapat natin sineseryoso ang mga sinasabi niya." sagot naman ni Mariano.

"Oo nga. Wala naman tayong magagawa kung sabihin niya yun. Siya ang anak ng may-ari natural na may karapatan siyang magsabi ng ganun sa atin." sabi naman ni Teodoro.

Bodyguard (PROBINSYANO SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon