Nandito lang ako
Sa tuwing pumapatak ang luha mo at wala ka ng masandalan, nandito lang ako
Sa tuwing nagpapakatanga ka at umaasa sa mga salita niyang wala namang katotohanan, nandito lang ako
Sa tuwing nagpapauto ka sa mga ngiti niya at naniniwala sa mga mata niya, nandito lang ako
Nandito lang ako sa tabi moNandito lang ako na laging reresbak kapag nasasaktan ka
Nandito lang ako na para bang gaga na naghihintay sayo habang hinihintay mo siya
Habang nakatingin ka sa kanya
Habang nakangiti ka sa kanyaNandito lang ako na laging nasa likod mo na hindi mo man lang magawang lingunin
Kasi ang paningin mo, nakapako sa unahan mo. Sa kanya
Sa kanya na hindi ka naman pinapahalagahan
Sa kanya na kayang kaya kang isabay sa iba na para bang hindi pinag-isipan
Sa kanya na hindi ka kailanman ipaglalabanAt hanggang ngayon nandito pa rin ako
Ngayong lumuluha ang mga mata mo at para nang magigiba ang mundo mo
Nandito pa rin ako kahit pati ako ay nasasaktan na dahil nasasaktan ka
Ipinaubaya kita pero pinabayaan ka lang niya
Binasura at tinapon na lang basta na para bang dati'y hindi niya tinratong ginto, na para bang hindi ka naging mahalagaSana'y hindi na lang kita isinuko sa kanya
Sana'y ipinaglaban kita kahit ang lalaban ay ako lang mag-isa
Edi sana'y hindi ka nasasaktan at tayo'y nagtatawanan pa
Edi sana'y hindi mo siya nabigyan ng pagkakataon na saktan kaMahal, ibubulong ko sa iyo ang mga salitang akala mo'y hindi na maririnig pa ng mga tainga mo
Kung hindi mo maramdaman, ipapakita ko sayo
Kung hindi mo maintindihan, isisigaw ko sa mundo
Ang mga salitang mahal kita, huwag kang umiyak at nandito lang akoPero hanggang dito lang ako
Hanggang dito na lang ako
Dahil anomang gawin ko, hindi na makikita ng mga mata mo
Anomang sabihin ko, hindi na maririnig ng tainga mo
Dahil hanggang ngayon, nasa kanya pa rin ang atensyon moNaka pako pa rin sa kanya
Mananatiling kanya
Hindi lang ang pansin mo kundi pati ang puso mo
Habang ako, mananatiling nanditoKatulad noong umpisa, nandito lang ako
Tuwing pumapatak ang luha mo at wala ka ng masandalan, nandito lang ako
Sa tuwing nagpapakatanga ka at umaasa sa mga salita niyang wala namang katotohanan, nandito lang ako
Uulitin ko, nandito lang akoHanggang ngayon, nandito pa rin ako
Dahil hanggang dito na lang ako
BINABASA MO ANG
Wonders Of Poetry
PoetryCompilations of short or long poems. May be written in english or filipino, whatever mood I'm in. ▪️ for English ▪️ ▫️ for Filipino ▫️