Isang salitang nagpatigil sa aking mundo
Nagmula sa bibig mo ang puno't dulo
Hirap man sa paghinga at luha'y pinipigilang tumulo
Narinig pa rin ang iyong pagsukoNaglakad ka palayo at ako'y nabato
Naestatwa sa kinatatayuan at mukha'y nanlulumo
Mga salita mong tila ba kidlat na tumusok sa nagdurugo kong puso
At mas lalo pang nilaliman ang pagkakabaon nitoAng mata mong dati'y puno ng bituin kapag minamasdan ako
Ngayo'y malamig pa sa yelo ang pakikitungo
Ang ngiti mong dati'y pinapakabog ang dibdib ko
Ngayo'y inaalay mo na sa ibang taoKay bilis namang magbago ng pag-ibig mo
Ang dating pagmamahal mo ay di na nadarama ng puso ko
Sabi mo'y susungkitin ang mga bituin at buwan para sa akin
Ngunit bakit buwan na mismo ang lumipas ay hindi ka pa rin dumadating?
BINABASA MO ANG
Wonders Of Poetry
PoetryCompilations of short or long poems. May be written in english or filipino, whatever mood I'm in. ▪️ for English ▪️ ▫️ for Filipino ▫️