Paulit-ulit akong namamatay dahil sayo.
Nalulunod ako.
Nalulunod ako sa mga mata mong taglay ang lalim ng karagatan.
Hindi ako makahinga na para bang naputol ang hangin sa aking daluyan.Nahuhulog ako.
Nahuhulog ako sa mga kilos mong tila ba sasaluhin ako.
Hindi ako makagalaw na para bang hindi akin ang katawan ko.Nasusunog ako.
Nasusunog ako sa init ng mga haplos mo.
Hindi ako makatakas sa apoy na dulot mo na para bang ako'y bilanggo.Natatakot ako.
Natatakot ako kapag nandyan ka sa harap ko.
Para kang aksidenteng sa isang iglap ay kikitil ng buhay ko.Namamatay ako.
Paulit-ulit akong namamatay dahil sayo.
Pinapatay ako ng pag-ibig mong hindi ako sigurado.
BINABASA MO ANG
Wonders Of Poetry
ŞiirCompilations of short or long poems. May be written in english or filipino, whatever mood I'm in. ▪️ for English ▪️ ▫️ for Filipino ▫️