Kung alam mo lamang makailang beses akong namatay
Nanghihina ang katawan, bawat araw ko'y matamlay
Libo-libong saksak sa dibdib kong may hukay
Puso ang iaalay ng nanginginig kong kamaySa lakas ng tangis mo'y sa hina ng hagulhol ko
Di porket nang-iwan ay masaya na ako
Luha ko'y nilihim sa buong mundo
Na kahit sayo ay nanatiling sikretoMusang dinakila mo'y nagtataglay rin ng pintas
Nasindak sa utak kong sinungaling na ahas
Diyosang pinugay mo'y tinanggap ang katas
Mata'y sayo nakatutok ngunit dila'y napigtasNgiti mo'y gamot sa lason kong lungkot
Sa mga tanong ko'y ikaw ang siguradong sagot
Liligaya ba kung sayo'y di sangkot?
Ano ba ang paroroonan? Panibagong poot?Taksil kong isip laban sa umiibig na puso
Mga boses sa aking ulo ay pinapatay ang himig mo
Kamay mo'y inilantad upang abutin ko
Sa huli'y ako ang talo dahil ikaw, sinubukan mo
BINABASA MO ANG
Wonders Of Poetry
PoésieCompilations of short or long poems. May be written in english or filipino, whatever mood I'm in. ▪️ for English ▪️ ▫️ for Filipino ▫️