Para sa lahat ng ginawa ko para sa ating dalawa
Para sa lahat ng naramdaman ko magmula ng ikaw ay makilala
Para sa lahat ng emosyon na nakatago sa loob ko na lumabas bigla
Para sa lahat ng nakalimutan ko na iyong pinaalalaPara sa lahat ng ngiti na umukit sa aking labi noong tayo pa ay magkasama
Para sa lahat ng halakhak na lumabas sa aking bibig dahil ako noon ay masaya
Para sa lahat ng lungkot na kinimkim ko sa dibdib ko noong ikaw ay nag-iba
Para sa lahat ng tubig na bumagsak mula sa aking mata noong lumisan kaPara sa lahat ng sakit na nadama ko noong ikaw ay nawala
Para sa lahat ng poot at pagtitimpi noong tila ba ako'y nakalimutan mo na
Para sa lahat ng luha na pinilit kong itago sa iba
Para sa lahat ng tawa noong ako'y nagpanggap na masayaPara sa lahat ng naramdaman ko na para sayo ay walang halaga
Para sa lahat ng ibinigay ko para magtagal pa tayong dalawa
Para sa lahat ng pagkapit ko na siya namang pagbitaw mo
Para sa lahat ng alaalang sakin ay iniwan moPara sa lahat ng ito na ibabaon ko na sa limot
Para sa lahat ng ito na bibitawan ko na tulad ng pagbitaw mo
Para sa iyo na minahal ko ng sobra at higit pa sa buhay ko
At para sa akin na araw araw ay walang tigil sa pag-alala sayoPara sa lahat ng ito ay pinapatawad na kita
Para sa lahat ng ito ay hindi ko na iisipin pa
Para sa lahat ng ito ay tatanggapin ko na
Sa wakas ay masasabi ko na, kaya kong mabuhay ng wala ka
BINABASA MO ANG
Wonders Of Poetry
PoezjaCompilations of short or long poems. May be written in english or filipino, whatever mood I'm in. ▪️ for English ▪️ ▫️ for Filipino ▫️