▫️26▫️

10 0 0
                                    

Kalayaan sa kamay ng lumbay

Bumibilis ang pagtibok ng aking puso
Hindi na makahinga pagkat tinititigan mo
Pinagpapawisan, nanginginig sa tabi mo
Walang ibang naiisip kundi ang mga ngiti mo

Sa unang pagkakataon, ito'y naramdaman ko
Tila ba ang mundo ko'y biglang nagbago
Ang tanging bukambibig ay pangalan mo
Para bang nakalimutan ang buong paligid ko

Butterflies in my stomach, ika nga nila
Ito'y dating hindi pinaniniwalaan ngunit ngayo'y nararamdaman ko na
Para bang nananaginip na sa ulap ako ay nakatayo
At para bang ang buong daigdig ay pinagmamasdan ako

Ngayo'y nangangarap na sana'y mapansin mo
Ang nararamdaman ko kahit hindi sabihin sayo
Tinitignan ka kahit ikaw ay malayo
Huwag mo lamang masamain at baka ika'y magbago

Kaibigan ka mula pa nung una
Kabaitan mo sa aki'y laging ipinapakita
Walang duda, ika'y nagugustuhan ko na
Sapagkat ang nararamdaman para sayo ay nag-iba na

Ayoko sanang umasa ngunit hindi mapigilan
Ayoko sanang tignan ka ngunit nasusulyapan
Laging pinagmamasdan ang iyong kagwapuhan
Bakit nga ba ngayon ko lamang naintindihan?

Ngunit hindi maaari ang aking nararamdaman
Dahil ako ay kaibigan mo lamang
Sa tuwing nakikita kayong dalawa, ako ay nahihirapan
Nginingitian ka kahit ako na ay nasasaktan

Ilang maskara na nga ba ang naisuot ko?
Maitago ko lamang ang tunay na nararamdaman ko
Ano nga kaya ang magiging reaksyon mo?
Kapag nalaman mong ikaw ay mahal ko

Kung dati'y karamay kita sa bawat patak ng aking luha
Ngayo'y ikaw na ang dahilan ng pangungulila
Pinilit indahin at kalimutan ang aking nararamdaman
Pagkat alam kong ito'y hindi mo masusuklian

Kung mapipigilan lang sana ang puso ko na mahalin ka
Kung madidiktahan lang sana ito na tama na
Kung masasabihan lang sana ito ng hindi ka ba titigil, nasasaktan ka na
Edi sana masaya ako ngayon habang ikaw rin ay tumatawa

Tumatawa sa piling ng iba
Oo, ang nagpapasaya sayo ngayon ay iba na
Kung dati'y ako ang nagpapagaan ng loob mo, ngayon ay hindi na
Dahil ang puso mo, hawak na niya

Hindi inaasahang mahuhulog ako sayo
At ang puso ko ay mabibihag mo
Pero mas hindi ko inaasahan na sa pagkahulog ko, sahig ang sasalo
Dahil ang kamay ko, binitawan mo

Alam kong magiging mahirap ito
Pero dahil mahal kita, ginusto ko rin at hinayaan ko
Alam ko ring masasaktan ako sa dulo
Ang hindi ko lang alam, ganito pala kasakit ito.

Sa sobrang dami ng mga isinakripisyo ko para sayo
Oras ko, panahon at pati na ang pagmamahal ko
Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para mapansin mo?
Bakit hindi ko pa rin matanggap na hanggang dito na lang tayo?

Huwag mo sanang bitawan at isampal sa mukha ko na ako'y di mo gusto
Dahil kung di pa sapat, kaya kong magbago
Iibahin ang mga mali at lahat ng ito'y itatama ko
Kung pwede lang sana, sasabihin ko iyan sayo

Ano ba ang meron siya na wala ako?
Mas maganda naman ako at mas matalino
Mas malapit ka sa akin at kilala mo na ako
Tunay ngang nakakabulag ang pagmamahal, ano?

Kaya ngayo'y napagtanto ko
Dapat ko nang tigilan ang kahibangang ito
Dapat kalimutan at magsimula ng panibago
Dahil naalala ko, kaibigan mo nga pala ako.

Ngayo'y bibitawan na kita
At lahat ng nararamdaman na hindi dapat ay isasantabi ko na
Pipiliting ibaling ang atensyon ko sa iba
Para mawala sa isip kong, oo nga pala, mahal kita.

💠💠💠

(A/N: First time to create a title for my poem. So for a little back story, when I'm writing this piece, the song entitled "Pasensya ka na" by Silent Sanctuary played and the lyrics got stuck in my head thus making it the title for this poem. It's like freedom, yay! But freedom comes with letting go, so woah.)

Wonders Of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon