▫️25▫️

12 0 0
                                    

Sapat ng makita ang mata mong masaya
Makahihinga na ng maluwag 'pag nasilayan ang labi mong nakatawa
Gagaan na ang loob kapag ika'y nakapagpahinga
Sapagkat alam kong sa mahabang lakbayin ay napagod ka

Mabigat na tungkulin sa iyo'y ipinatong
Ngunit walang reklamo, ako'y iyong kinanlong
Ang aking puso'y pinalambot ng mga salita mong malaking tulong
Kung kaya't ang tulang ito'y di mauubusan ng taludtod at ng mahahabang saknong

Nakakatakot man, pinalaki mong mag-isa
Nakakalungkot man at mata mo'y lumuluha
Isang ngiti naman ang sa ami'y ipinakita
Matapang ka, bayani naming ina

Subalit ika'y napagod kaya't nagpapahinga
Ngunit alam naming babalik ka at muling ngingitian ang naghihintay mong pamilya
Hindi malulungkot kahit namimiss ka
Pagkat alam naming higit pa do'n ang iyong nadarama

Kung nahihirapan ka, tumigil na
Kung napapagod ay magpahinga
Ngunit ang trabaho mo'y walang katapusan, walang nililimita
Muling makikita ang mata mong masaya

Papiliin man, ikaw ang aking yayakapin
Magbago man, ikaw ang aking sisilipin
Pagkat sa buhay ko, ikaw ang nag-iisang iibigin
Nag-iisang ina, ikaw ay aking pupurihin

💠💠💠

(A/N: Dedicated to my mother for her birthday! I love you mommy!)

Wonders Of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon