▫️7▫️

18 0 0
                                    

Lagi na lang bang ganito?
Tulad ng nakasanayang hindi nagbabago?
Tulad ng sa pagmulat ng mata ko, ako lang ang nasa kwarto?
Tulad ng pagkakaibigang iningatan ngunit ngayo'y unti-unting naglalaho?

Ang sarap sigurong mabuhay na parang ibong sa kalangitan ay malayang lumilipad
Ang sarap sigurong mula sa rehas ay makawala at sa paraiso ay malayang naglalakad
Subalit sa bawat hakbang ko, bakit tila may humihila sakin pabalik?
Bakit ang hagdan na aking tinatahak ay pababa ang lakad at ang naririnig ko ay puro hikbi?

Patuloy bang gigising na hangin lamang ang bubungad sa akin?
Patuloy bang kakain na sa mga bakanteng upuan lamang nakatingin?
Patuloy bang mabubuhay na parang bituing mag-isa lamang sa langit?
Patuloy bang magmamasid sa mundong masaya na para bang ako'y isang pagong na nakasilip?

Ako'y isang pagong na sa mundo'y nais ilitaw ang kanyang ulo.
Ako ay isang kwago na nais tignan ang kanyang paligid at masdan ang malaking pagbabago.
Subalit bakit tila ako'y naging isda na sumasabay na lamang sa daloy ng tubig?
Bakit tila ako'y naging taong kinuhanan ng karapatang makita ang buong daigdig?

Bakit nga ba masamang gawin ang mga masasayang bagay?
Bakit ba masamang magtapon ng basura sa paligid dahil malayo ang basurahan?
Bakit ba bawal kausapin ng harapan si teacher at sabihing wag kang tatawagin sa klase dahil wala kang naintindihan?
O ang sigawan ang nanay mong sunod-sunod ang utos sayo na para bang wala kang kapaguran?

Kailan ba pwedeng mamahiya ng katabi dahil hindi mo na kaya ang amoy niya?
O ang sigawan ang driver ng jeep dahil ang bagal niyang magmaneho at ang bingi pa niya?
O kaya pumatay ng tao dahil yung ex mo, niloko ka at pinagpalit sa bestfriend mo?
O kaya barilin yung crush mong pinaasa ka lang na gusto ka pero projects lang ang habol sayo?

Kailan ba ako magiging malayang gawin ang lahat ng to?
Kapag ba nakaalis na ako sa kastilyong ako lang ang tao?
Kapag ba natapos na ang kwentong binabasa ko sa libro?
Kapag ba naubos na ang pasensyang pilit pinapahaba?
O kapag nailabas na ang damdaming pilit itinatago?

Dahil sa oras na mangyari ito, hihingi ako ng tawad sa lahat ng aking nagawa.
Luluhod ako sa harap mo at magmamakaawa.
Hahawakan ko ang kamay mo at ipapakita sayo kung gaano ako nagsisisi.
Kakatukin kita sa bahay niyo at sasabihing, "Mahal kita, shit. Don't leave me."

Wonders Of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon