Pinagmasdan ko ang mga ngiti mo sa labi
Mga ngiting dati'y sa akin mo lamang ibinabahagi
Pinagmasdan ko ang nagniningning mong mata
Mga matang dati'y kulungan ko pagkat sa akin lamang nakatuonPinagmasdan ko ang mga kamay mo
Mga kamay mong iba na ang hawak pagkat ang sa aki'y binitawan mo
Pinagmasdan ko ang paghalakhak mo
Na para bang ako pa rin ang dahilan ng kasiyahan moPinagmasdan ko ang babaeng kasama mo
At tinanong sa sarili ko kung ano bang meron siya na wala ako
Pinagmasdan ko kayo
Katulad ng araw araw kong pagsilip sa inyoLumingon ka sa akin at pinagmasdan mo ako
Ang mga ngiti mong sa kanya mo na ibinabahagi ay ipinagdamot mo
Ang mga nagniningning mong mata ay nawalan ng kislap at pinakawalan ako
Ang mga halakhak mong siya na ang dahilan ay napalitan ng katahimikanNasaktan ako. Hindi, mali;
Nasasaktan pa rin ako
Nasasaktan pa rin ako dahil humihiling pa rin ako
Umaasang babalik pa rin ang dating tayoAt katulad ng dati, narito't pinagmamasdan ko pa rin kayo
Katulad ng araw araw kong pagsilip sa inyo
Nagpapakatanga dahil masakit pero hindi mapigilang umulit
Ang mga gawi niyo, sa mata ko na'y nakadikitNanatili sa aking isipan ang mukha mong masaya
Nanatili sa aking isipan ang kamay niyong magkaagapay
Nanatili sa aking isipan ang labi niyong magkadikit
At nanatili sa aking isipan ang mata niyang lumuluha nang ika'y lumuhod sa kanyang harapanNgumiti ako para makita mo
Ngumiti ako para maintindihan mo
Masaya ako para sa inyo, pero hindi iyon ang totoo
Ngumiti ako para pagtakpan ang tunay na nararamdaman koNasanay na akong makita kayong magkasama
Nasanay na akong siya ang iyong kayakap at sinasabihan ng "Mahal kita"
Nasanay na akong pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mata
Pero bakit ganon? Mas masakit kasi nakasanayan ko naMagsisinungaling ako kapag sinabi kong totoo ang mga ngiti ko
Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi na ako nasasaktan sa tuwing nakikita kayo
Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi na ako umaasa na babalik ang dating tayo
At oo, nagsinungaling ako dahil lahat iyan ay sinabi ko
BINABASA MO ANG
Wonders Of Poetry
PoetryCompilations of short or long poems. May be written in english or filipino, whatever mood I'm in. ▪️ for English ▪️ ▫️ for Filipino ▫️