▫️5▫️

16 0 0
                                    

Paulit-ulit na lamang, wala ng pagbabago
Kaya siguro napunta sa ganito, nagsawa ako sayo
Sa bawat parte mong akin ng saulado
At sa bawat piraso mong pait na lamang ang nalasahan ko

Naghanap ng iba at ika'y aking nilisan
Noon akala ko'y ikaw ang papalis sa nauuhaw kong labi at nagugutom na isipan
Ngunit nawala ang interes at ika'y aking pinagtulakan
Walang kamalay-malay, ika'y aking pinalitan

Ipagpatawad mo ang aking kahangalan
Ngunit ang iwan ka'y hindi ko pinagsisihan
Dahil ngayon ko nahanap ang tunay na lasa ng siksik na pag-ibig
Matamis, umaapaw at walang kahambing

Ang hindi ko nakita sayo ay sa kanya ko nahanap
Sa wakas ay natagpuan ko na rin ang tinatawag nilang alapaap
Ngunit hindi sa piling mo kundi sa kanyang yakap
Sa bawat parte niyang hatid saki'y bituin at mga ulap

Hindi mo kasalanan kung ako'y nagbago
Baka talagang hindi lang nakatadhanang magkaroon ng tayo
Dahil ang tunay na saya, matagal nang naglaho noong ako pa'y kasama mo
Na siya ko namang natagpuan sa tamis ng hawak ko

Sa kamay ko natagpuan ang kamay niyang inaasam
Sa kamay ko natagpuan ang gandang hindi hiram
Sa kamay ko natagpuan ang kaakit-akit niyang rikit
Sa kamay ko natagpuan ang sayang walang sakit

Wonders Of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon