Silayan ang paligid
Mga mata'y nakamasid
Puso ay pumipintig
Hapdi ang tumitindigLuha'y pumapatak
Unti-unting nawawasak
Tiwala'y nabibiyak
Ng katotohanang masaklapPag-aalinlangan ang bumabalot
Sa pagkataong malungkot
Pangyayaring masalimuot
Kailanma'y di makakalimotBibig ng kalupitan
Puro kasinungalingan
Kirot ang kinalabasan
Puso ay nasaktanDamdaming nabihag
Ngayon ay kahabag-habag
Ang natira'y bagabag
Na pilit pinalansag
BINABASA MO ANG
Wonders Of Poetry
PoetryCompilations of short or long poems. May be written in english or filipino, whatever mood I'm in. ▪️ for English ▪️ ▫️ for Filipino ▫️