▫️15▫️

14 0 0
                                    

Bawat luhang pumapatak
Bawat pawis na tumatagaktak
Patago akong umiiyak
Pilit ang mga halakhak

Hindi mo ba napapansin
Mga nais kong iparating?
Hindi mo ba nababatid
Mga nais kong ipahiwatig?

Mata ko ma'y nagkukunwari
Kasinungalingan man ang naghahari
Ngunit hindi ko nais ang isuko ka
Hindi ko nais ang bitawan ka

Ang nais ko'y makapiling ka
Ang nais ko'y makasama ka
Nais kong madama muli
Mga kaakit-akit mong labi

Nais kong maging akin kang muli
Nais kong balikan masasayang sandali
Mga alaala mo sa akong tabi
Mga alaalang sa wala nauwi

Hindi ko na mababago pa ang mga panahong lumipas
Hindi ko na mababago pa, bawat takbo ng oras
Ngunit narito pa rin at handang magpakatanga
Narito ngayon, ako pa rin ay umaasa

Wonders Of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon