Ikaw ang tunog ng mga tawa ko
Ikaw ang kulay ng balat ko
Ikaw ang ngiti sa labi ko
At ang katotohanan sa mga mata koIkaw ang sayang hindi malilimutan
Ikaw ang sakit na babalik-balikan
Ikaw ang luhang hindi pupunasan
At ang pangakong panghahawakanIkaw ang tunay sa mga kasinungalingan
Ikaw ang pader na sasandalan
Ikaw ang kamay na hindi bibitawan
At ang bituing nakangiting pagmamasdanIkaw ang pamagat ng aking tula
Ikaw ang liriko ng aking kanta
Ikaw ang kabiyak sa aking istorya
At ang mamahalin ng may pagtitiyaga
BINABASA MO ANG
Wonders Of Poetry
PoetryCompilations of short or long poems. May be written in english or filipino, whatever mood I'm in. ▪️ for English ▪️ ▫️ for Filipino ▫️