Chapter VIII

11.1K 820 48
                                    

Chapter VIII: Answer

Hindi pa rin makapaniwala si Finn Doria sa kaniyang mga naririnig mula kay Tandang Shue. Pinoproseso niya pa sa kaniyang utak ang mga paliwanag ng matanda sa kaniya.

Mahirap paniwalaan na sobrang komplikado pala ang hinaharap ngayon ni Finn Doria, hindi lang siya naiipit sa digmaang magaganap sa Sacred Dragon Kingdom at Crimson Blood Kingdom. Maging ang pag-aaway sa pamumuno sa kontinenteng ito ay unti-unti na ring nadadamay si Finn Doria.

Dahil hindi alam ni Finn Doria ang kaniyang isasagot, tumingin na lang siya kay Tandang Shue at nagtanong, "Hindi ko lang maintindihan... paano kong nakuha ang atensyon ng dalawang malalakas na pwersa sa kontinenteng ito? Tsaka bakit ako..? Marahil kamangha-mangha nga ang tinataglay kong maalamat na Alchemy Flame pero hindi naman ito makatutulong sa ngayon dahil nakatuon ang aking buong atensyon sa pagpapalakas. Isa pa... ang talento ko bilang adventurer sa isang Third Rate at Second Rate ay maaaring pambihira pero kumpara sa talentong mayroon ang mga batang adventurers sa First Rate Kingdom, walang karapatan ang aking 2nd Level Sky Rank na maihalintulad sa kanila."

Nang marinig ito ni Tandang Shue, makahulugan lang siyang ngumiti kay Finn Doria. Hindi niya inaasahang kahit na nagtataglay ang binatang ito ng maalamat na Alchemy Flame at pambihirang talento, nagagawa pa rin nitong maging mapagkumbaba. Para kay Tandang Shue, ang ipinapakitang pag-uugali ni Finn Doria ay hindi hamak na mas maayos kaysa sa mga hambog na batang adventurers na minsan na nilang nakasalamuha.

Mayroong karapatan na maging mapagmalaki at hambog si Finn Doria kay Tandang Shue pero mas pinili ng binata na maging mapagkumbaba sa matanda.

Syempre, mayroong rason si Finn Doria sa kaniyang ipinapakitang pag-uugali kay Tandang Shue. Naging maayos din itong kausap kaya naman walang dahilan upang maging mapagmalaki siya sa harap nito.

Pagkatapos ng sandaling katahimikan, muling nagsalita si Tandang Shue, "Haha. Ang batang adventurer na gaya mo ay karapat-dapat lang talaga na bigyan ng respeto. Hindi hamak na mas katanggap-tanggap ang iyong pag-uugali kaysa sa mga naunang tinanggap ng Adventurers Guild bilang aming miyembro."

Sandaling huminto si Tandang Shue bago muling magpatuloy, "Sa totoo lang, tama naman ang sinabi mo. Hindi pa marahil makatutulong ang iyong maalamat na Alchemy Flame sa ngayon pero paano na lang sa hinaharap? Mayroon kang potensyal na maging pinakatanyag na Alchemist sa buong Ancestral Continent! Isa pa, maaaring mababa pa ang antas ng lakas mo kumpara sa mga batang adventurers na nagmula sa First Rate Kingdom pero ito ay dahil sa kulang ka sa kayamanan at gabay upang umangat ang iyong antas ng lakas."

Bawat salita ni Tandang Shue ay mababakasan ng pangungumbinsi. Gustong-gusto niyang makuha ang tiwala ni Finn Doria upang umanib ito sa kanilang Adventurers Guild. Kung hindi niya makukuha ang kooperasyon ng binata, siguradong malaki itong kawalan para sa kanilang organisasyon.

Kahit na napapansin ito ni Finn Doria, hindi pa rin siya kumbinsido. Napakaraming implikasyon ang maaaring mangyari sa oras na sumali siya sa Adventurers Guild.

"Nagpapasalamat ako sa lubos niyong pagpuri sa aking kakayahan. Gayunman, kailangan kong tanggihan ang inyong alok, Vice Guild Master Shue." Taimtim na sabi ni Finn Doria.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Tandang Shue matapos niyang marinig ang sagot ni Finn Doria. Napakunot ang kaniyang noo habang nagtatakang nakatingin sa binata.

"Bakit? Kung iniisip mo ang tungkol sa mga benepisyong matatanggap mo, hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa bagay na 'yon. Kayang-kaya ng aming organisasyon ang lahat ng iyong pangangailangan, Armaments, Pills at kahit anong makabuluhang gusto mo. Hindi mo kailangang tumanggi agad, nakikiusap ako na pag-isipan mo munang mabuti ang iyong magiging sagot." Seryosong sabi ni Tandang Shue.

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon