Chapter XIII: Third Floor
Sa Treasury Hall, sa ikalawang palapag, mayrm mahigit dalawampung adventurer ang mapapansing nagkukumpulan. May ilan sa kanila na nagtatawanan habang nag-uusap at mayroon din namang tahimik lamang sa isang gilid. Mayroon ding nag-uusap tungkol sa mga Excellent Armaments na nakasabit sa haligi, at makikita na nagniningning ang kanilang mga mata habang pinagmamasdan ang mga ito, lalong-lalo na habang pinagmamasdan ang mga top-tier Excellent Armaments.
Sa araw na ito, nagpatawag nang pagpupulong si Finn Doria sa ikalawang palapag kaya naman agad na nagtungo rito ang mga panauhin na nagpunta sa teritoryo ng Azure Wood Family.
Malawak ang ikalawang palapag kaya naman kasyang-kasya rito ang mga panauhin ng Azure Wood Family. Karamihan sa mga panauhin ay kilalang-kilala sa buong Sacred Dragon Kingdom habang mayroon din namang ilan na hindi gaanong kilala sa buong kaharian gaya ni Chain Levor. Gayunman, kahit hindi sila sikat sa Sacred Dragon Kingdom, kilalang-kilala naman sila ng mga kagaya ni Lord Helbram na daan taon nang namamalagi sa Sacred Dragon Kingdom.
Wala pa rin ang kahit anino ni Finn Doria sa lugar na ito kaya hindi pa rin nagsisimula ang pagpupulong. Si Creed lamang ang narito habang pinamamahalaan ang mga panauhin.
Habang pinagmamasdan ni Creed ang mahigit dalawampung adventurers, pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil sa bigat ng mga presensya at aura ng mga ito. Maaaring maraming 9th Level Profound Rank sa mga ito pero marami rin naman ang mga Sky Rank Adventurers sa mga ito, at higit pa roon, hindi nila itinatago ang kanilang mga aura kaya naman nahihirapan ang mga Profound Rank na huminga dahil dito.
Napansin ni Cleo ang kalagayan ni Creed kaya naman tinapik niya ang balikat ng kaniyang kaibigan. Mayroong kung anong hindi makitang enerhiya ang pumalibot sa kabuuan ni Creed. Bigla na lamang umayos ang pakiramdam at ang kaniyang paghinga. Nginitian niya si Cleo bilang pasasalamat.
Dahil sa mabibigat na presensya ng mga Adventurers na naroroon, may ilang mga Profound Rank ang gumamit ng enerhiya upang labanan ang mabigat na presensyang tumatama sa kanila. Gusto nilang magalit sa mga Sky Rank Adventurers na mapagmalaki pero dahil mahina sila at takot sila sa malalakas na matandang ito, nanatili na lamang sila na tahimik.
Syempre, mayroong mga Sky Rank Adventurers ang hindi naglalabas ng kanilang mabigat na aura. Itinatago nila ang kani-kanilang mga antas at aura gaya nina Chain, Cleo, Justice Minister, Sect Master Noah, Lord Helbram at iba pa.
Sa mga Adventurers na ito, ang pinakamalakas ay si Cleo na mayroong antas ng lakas na 6th Level Sky Rank. Habang ang pinakamahina at pinaka nahihirapan naman ay si Elder Alicia ng Alchemist Association, mayroon lamang siyang antas ng lakas na 8th Level Profound Rank pero dahil hindi pa nagkakamalay ang kaniyang guro, napilitan siyang kumatawan sa Alchemist Association habang ang Grand Elder naman ang nagbabantay sa kanilang Faction.
Hindi kalayuan kina Creed at Cleo, taimtim namang nagmamasid sina Sect Master Noah at Elder Marcus sa paligid. Nang mapansin ni Sect Master Noah na papalapit sa kanilang direksyon sina Justice Minister at Lord Helbram, agad niyang sinalubong ng ngiti ang dalawa.
"Ikinagagalak ko po kayo na makita Justice Minister, Lord Helbram." Magalang na yukong bati ni Elder Marcus.
Tumango naman sina Justice Minister at Lord Helbram bilang tugon. Matapos nito, ibinaling ni Justice Minister ang kaniyang atensyon kay Sect Master Noah at magalang na yumuko, "Muli tayong nagkita, Prinsipe Noah. Narinig kong nauna kayo sa teritoryo ng Azure Wood Family at nagkaroon kayo ng pagkakataon na makita si Finn Doria."
Mapait na ngumiti si Sect Master Noah at agad na tumugon, "Pakiusap, hindi na ako ang Third Prince ng Sacred Dragon Family. Ako na ngayon ang pinuno ng Cloud Soaring Sect at sana huwag kayong maging ganyan kagalang, Minister Rio."
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 4: Fate]
FantasyJune 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --