Chapter V: Raising in Power
Kung impluwensya lang ng pag-uusapan sa buong Sacred Dragon Kingdom, at kahit sa buong Ancestral Continent, ang Adventurers Guild ang pinakamagandang halimbawa rito. Madali lang para sa kanila ang magpakalat o magpadala ng mga sulat sa iba't ibang pwersa dahil sa kanilang koneksyon at impluwensya. Isa pa, napakaganda ng reputasyon ng Adventurers Guild sa buong Ancestral Continent kaya naman hindi na kailangang mag-alala pa ni Finn Doria kung nais niyang paniwalaan siya ng mga tao dahil ang Adventurers Guild na ang bahala rito basta ba mababayaran sila ng sapat na kabayaran.
Dahil hindi naman makakaalis si Finn Doria sa Azure Wood Family dahil sa banta ng Crimson Blood Kingdom, maaari niya lang piliin ang makipagtulungan sa Adventurers Guild, sa tulong ng organisasyong ito, makaka-iwas siya sa pagsasayang ng oras at magkakaroon pa siya ng pagkakataon upang protektahan ang kaniyang kinabibilangang angkan.
Sandaling oras pang nag-usap sina Chain Levor at Finn Doria bago tuluyang mapagdesisyunan ng pinuno ng Black Chain Organization na umalis upang kuhanin ang pagmamay-ari nilang Sixth Grade Magic Crystal upang ibigay sa binata. Malaki ang pasasalamat ni Chain dahil sa pagsisiwalat ni Finn Doria ng lokasyon ng himlayan ng traydor na si Briceus. Maibabalik na rin sa Black Chain Organization ang kayamanang pagmamay-ari naman nila talaga, maibabalik na rin sa kanila ang kanilang High-Tier Epic Armament.
Ipinangako ni Chain na babalik siya upang dalhin ang kailangan ni Finn Doria. Nabanggit niya rin na babalikan niya na lang ang mapang ipinangako ng binata sa kanilang organisasyon. Hindi gaanong pinagtuunan ni Chain ang sinasabi ng binata na kapalit sa kanilang Sixth Grade Magic Crystal, nais niyang sinsiredad na ibayad ang mga kayamanang ito kapalit ng eksaktong lokasyon ng himlayan ni Briceus.
Pagkatapos umalis ni Chain, hindi na nagsayang pa ng oras si Finn Doria at agad na nagtungo sa silid-pagpupulong ng pamahalaan ng Azure Wood Family. Agad niyang naabutan sina Creed, Family Head Neleos, Family Head Augustus, at ang mga Elders ng Azure Wood Family. Narito rin sina Earl kasama ang mga dating Rogue Adventurers. Ngayon, masaya at payapa na silang namumuhay bilang Guest Elders ng Azure Wood Family.
Ang dahilan naman bakit wala dito si Elder Caesar ay dahil nagtutungo siya ngayon sa teritoryo ng Golden Lion Family upang sunduin ang lahat ng mamamayan nito. Ito ay kagustuhan ni Finn Doria upang masiguro ang kaligtasan ng bawat miyembro nito. Para sa binata, mas malakas ang dalawang pwersa kung magtutulungan at magsasama ito.
Nagsimula na rin ang konstruksyon ng mga gusalit sa iba't ibang bahagi ng Azure Wood Family kaya naman bawat manggagawa ay abala sa kani-kanilang gawain. Malawak naman ang teritoryo ng Azure Wood Family at balewala lang kung madadagdagan pa ito ng libo-libong mamamayan.
Nang makarating na si Finn Doria sa kabilang dulo ng malaking lamesa, inilibot niya ang kaniyang paningin sa mga matatandang nakaupo sa kani-kanilang upuan. Bawat isa sa kanila ay seryoso ring nakatingin sa binata habang naghihintay sa anunsyo nito. Sa ngayon, kahit na hindi nila marmdaman ang lakas ni Finn Doria, alam nila na ang binatang ito ang pinakamalakas sa kanilang lahat. Nahihiya sila dahil mas bata ng hindi hamang ang binatang ito ngunit ipinagmamalaki rin naman nila ito dahil kanila itong kakampi.
Bahagyang yumuko si Finn Doria sa lahat ng naroroon at hindi na siya nag-abala pa na umupo sa kaniyang upuan.
"Siguro naman ay mayroon na kayong kaunting alam sa nangyayaring kaguluhan sa loob ng Sacred Dragon Kingdom. Katatapos lang ng ating digmaan laban sa Nine Ice Family pero kakailanganin na naman nating humarap sa matinding panganib..." buntong-hiningang sabi ni Finn Doria.
Tumingin sa kaniya ang mga naroroon ng mayroong komplikadong tingin sa kanilang mga mata. Syempre, alam na nila ang balitang nagsisimula ng gumawa ng hakbang ang Crimson Blood Kingdom laban sa Sacred Dragon Kingdom. Alam lang nila pero hindi nila alam kung ano at paano sumalakay ang kalaban.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 4: Fate]
FantasyJune 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --