Chapter XXVIII: Upheaval(1)
Sa teritoryo ng Vermillion Bird Family, sa gusali kung saan ang loob ay napaliligiran ng naggagandahang mga halaman at puno. Mayroong isang maliit ngunit detalyadong kubo ang mapapansin. Ang kubong ito ay yari sa kawayan at iba pang mga kahoy. Hindi ito gaanong naiiba sa karaniwang kubo, at ang tanging katangi-tangi lang dito ay mayroong espesyal dito na magugustuhan ng kahit na sino mang tao na gusto ng katahimikan at kapayapaan. Ang buong lugar ay napakaganda at mahiwaga. Marahil iisipin ng iba na isang diwata ang naninirahan sa napakagandang lugar na ito.
Dahil nasa loob ng gusali ang lugar na ito, hindi ito naapektuhan ng panahon. Nananariling maaraw at maaliwalas sa lugar na ito. Mayroon ding maliit na lawa hindi kalayuan sa maliit na kubo. Mayroong iba't ibang uri ng isda ang lumalangoy rito. Hindi lang karaniwan ang mga isdang ito, karamihan sa mga isda rito ay maituturing bilang Vicious Beast. Gayunpaman, ang mga isdang ito ay hindi mararahas, kilala sa buong kontinente ang mga isdang ito bilang magandang alagaan.
Kahit na kaakit-akit ang lawa, mas mayroon pang kaagaw-agaw pansin ang mapupuna sa tabi nito. Mayroong babaeng may sobrang pulang buhok ang nakatayo sa tabi ng lawa. Wala itong sapin sa paa, ang kaniyang maganda at maputing paa ay nakatapak sa lupa. Nakasuot ito ng pulang bistida, at bumabagay ito sa kutis at kabuuang hitsura niya. Maganda ang hubog ng babae, maihahalintulad siya sa mga dalagang nasa edad dalawampu.
Ang mga mata ng babae ay kulay pula, walang emosyon ang mababakas mula rito. Nakangiti siya ngunit hindi naman siya totoong masaya. Nagbibigay lang siya ng positibong enerhiya habang mayroong maliit na ibon ang nakadapo sa kaniyang daliri. Ang mas kapansin-pansin sa babaeng ito ay ang kaniyang postura, kabuuang hitsura at lalong lalo na ang kaniyang mga mata. Kahawig ng babaeng ito ang isa pang tanyag na miyembro ng Vermillion Bird Family, na walang iba kung 'di si Ashe Vermillion.
Ang tangi lang nilang pinagkaiba ay ang kanilang edad.
Ang nagmamay-ari sa lugar na ito ay syempre, ang Vermillion Bird Family. Gayunpaman, hindi talaga gano'n ang sitwasyon. Ang totoong nagmamay-ari sa buong lugar na ito ay ang napakagandang babaeng ito. Dito siya naninirahan, at sa buong Vermillion Bird Family, ang lugar na ito ang pinaka sagrado. Hindi maaaring puntahan ng kahit na sino man ang lugar na ito, kahit pa ang Family Head at mga Elders ng Vermillion Bird Family nang walang pahintulot ng babae.
Pinagmamasdan ng napaka gandang babae ang maliit na ibon habang pingmamasdan din naman siya nito. Pagkatapos ng ilang sandali, nakaramdam ang ibon na mayroong presensya ang papalapit sa kanila kaya naman agad itong lumipad at lumayo mula sa babae.
Pinagmasdan lang ng babae ang paglayo ng ibon mula sa kaniya. Hindi siya nagsalita o naglabas ng kahit anong tunog. Nanatili siyang tahimik at hindi gumagalaw, ang tangi lang nagbago sa kaniya ay ang kaniyang ngiti. Naglaho na ang magandang ngiti ng babae.
"Vella... Maaari ba kitang makausap?"
Isang babae ang nakatayo hindi kalayuan sa napakagandang babae. Maganda rin ang babaeng ito at kahit medyo matanda na, wala pa rin itong mga kulubot sa mukha at mapuputing hibla ng buhok. Ang pangalan ng babaeng ito ay Karen, at siya ang ina ng napaka gandang babae na nagngangalang Vella.
"Ina. Napapadalas ang pagbisita niyo sa aking lugar." Isang bahagyang ngiti ang lumitaw sa labi ni Vella. At kahit na binisita siya ng kaniyang ina, hindi niya ito sinalubong upang yakapin. Nanatili lang na nakatayo si Vella hindi kalayuan sa kaniyang ina na si Karen.
"Namimiss lang kita, ang anak kong si Vella... ang dating Vella-"
"Ang Vella na 'yon ay matagal ng patay. Hindi niyo na kailangang hanapin pa siya." Bahagyang iling na sambit ni Vella.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 4: Fate]
FantasyJune 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --