Chapter XXXVII

10.1K 731 103
                                    

Chapter XXXVII: Treating them like a grass

Ang mga mahihina sa panig nina Finn Doria ay nabalutan ng tensyon sa pagdating ng mga kakaibang adventurers. Ito ang kauna-unahang beses na nakakita sila ng mga ganitong uri ng nilalang, tao ngunit may katangian ng isang halimaw.

Natakot din sila sa mabilis na pagkamatay ng gwardyang nakasakay sa Agile Eagle. Kaunting adventurers lamang ang nakakita sa pangyayari, at ito ay walang iba kung hindi sina Finn Doria, Kiden, Noah at Vella. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya tanging mga Sky Rank lamang ang nakakita ng nangyari.

Mayroong itim na enerhiya ang tumama sa Agile Eagle na naging dahilan ng pagsabog nito, at kung saan nagmula ang itim na enerhiya, iyon ay walang iba kung hindi sa palad ng babaeng ahas.

"Sino kayo? Sa inyong hitsura at kasuotan, hindi kayo lokal sa kahariang ito," unang nagsalita si Noah. Kalmado lang siya at hindi siya nagpapahalata na nangangamba na siya sa kasalukuyang sitwasyon. Mayroong sampung Sky Rank ngayon sa kanilang harapan, at isa rito ay hindi hamak na mas malakas kaysa sa kanya.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa sampung Sky Rank. Apat na 1st Level, tatlong 2nd Level, dalawang 3rd Level at isang 4th Level Sky Rank. Ang bilang pa lang nila ay hindi hamak na mas malakas kaysa sa pwersa sa panig niya.

"Hindi niyo ba alam ang kaparusahang kahaharapin niyo sa panghihimasok niyo sa Sacred Dragon Kingdom? Pumaslang pa kayo ng mamamayan sa lugar na nasa ilalim ng pangangalaga ko, talagang pangahas kayo!" kahit na nakararamdam si Noah ng panganib, hindi siya nagpatalo rito. Isa siyang Faction Master at hindi dapat siya nagpapakita ng takot sa harap ng kanyang nasasakupan.

Humalakhak ang babae at ngumiti kay Noah, "Huwag kang mag-alala, hindi lang ang pipitsuging iyon ang pinaslang ko, pinaslang din namin ang lahat ng nasa lungsod sa direksyong iyon."

Patalikod na itinuro ng babaeng ahas ang direksyon kung saan nagmula ang mga bagong dating at namatay na guwardya. Ang kanyang ngiti ay para bang nanghahamon at para bang balewala lang ang kanyang mga salitang binitawan.

Gumuhit ang matinding galit at poot sa mga naroroon, lalong-lalo na sa mga Elders ng Vermillion Bird Family. Pinamamahalaan nila ang lungsod na itnuturo ng babaeng ahas, at balewala lang nitong binanggit na winasak at pinatay nila ang lahat ng mamamayan ng lungsod. Isa itong malaking kapangahasan. Gayunpaman, nanatili silang galit sa loob-loob nila. Malalakas ang mga kalaban at alam nilang hindi basta-basta ang mga kakaibang adventurers na ito.

"Ako si Naesha, isang Elder mula sa Soul Serpent Sect ng Crimson Blood Kingdom. Marahil ikaw si Noah Vildar, tama? Ang Sect Master ng basurang Cloud Soaring Sect. Masasabi kong hindi ka rin naman ganun kamangmang dahil tama ka sa iyong mga sinabi," nakangiti pang dugtong ng babaeng ahas. "Nanghihimasok kami sa inyong kaharian dahil panahon na para mapasaamin ang teritoryong ito. May magagawa ba kayo para pigilan ako."

Napabaling si Naesha sa babaeng katabi ni Noah at nang mapadako ang tingin niya sa mukha ni Vella, napasimangot siya. Magandang babae siya, gayunpaman, kunpara kay Vella, kulang na kulang siya. Dahil dito, nagdilim ang ekspresyon ni Naesha, "Ayoko talagang nakakakita ng magagandang mukha!"

Kumilos si Naesha at akmang susugod kay Vella. Naalerto naman sina Noah at Kiden sa maaaring mangyari. Pero, hindi lang nakatuloy si Naesha dahil napigilan siya ng isang lalaking ahas. Hinawakan siya ng lalaki sa kanyang balikat at inilingan siya nito.

"Elder Naesha. Huwag kang kumilos sa sarili mong kagustuhan. Sundin natin ang utos ni Sect Master Rigor," malumanay na sabi ng lalaki.

"Hmph!" suminghal lang si Naesha at binigyan ng nakamamatay na tingin si Vella.

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon