Chapter XLVIII

10.9K 773 85
                                    

Chapter XLVIII: Wicked

Habang may malaking nagaganap sa lungsod, si Cleo at Kiara ay patuloy na naglalaban sa ibabaw ng malawak na kagubatan. Wala pa silang tigil sa paglalaban. Silang dalawa ay mayroon ng mga pinsala at sugat, gayunpaman, mas malala ang natamong pinsala ni Cleo dahil sa lason na tinataglay ng mga insekto ni Kiara.

Sa kasalukuyan, hindi nila alam kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa lungsod. Wala silang ideya na ang Crimson Blood Kingdom ay nalalapit na sa kanilang katapusan.

Ikinatutuwa pa ni Kiara ang pakikipaglaban kay Cleo. Lamang na lamang siya rito dahil distansya siya kung umatake. Hindi siya lumalapit kay Cleo dahil natatakot siya sa sandata nitong Mid-tier Epic Armament. Mas mabilis siya kay Cleo. At sa tulong ng kanyang mga makamandag na insekto, nagagawa niyang pigilan si Cleo na lumapit sa kanya.

Pero siyempre, hindi niya pa rin tuluyang napipigilan si Cleo na makalapit sa kanya. Nakikita niya sa galaw at atake ni Cleo na may mayaman na itong karanasan sa pakikipaglaban, ang problema lang nito ay ang kanyang aktwal na lakas. Higit pa roon, para bang hindi buo ang atensyon ni Cleo sa laban, parang mayroon siyang iniisip dahil madalas itong nahuhuli sa surpresang atake na ginagawa ni Kiara.

Sa kasalukuyan, habang walang tigil na pinakakawalan ni Kiara ang kanyang mga makamandag na insekto na isinilang sa kanyang enerhiya, walang tigil din naman si Cleo sa pagwasiwas at pagdepensa. Ang paghinga ni Cleo ay malalim na. Napakarami niya ng hiwa sa kanyang katawan at mapapansing nagkukulay-lila na ang ilan sa kanyang mga sugat. Namamanhid na rin ng tuluyan ang kaliwang braso ni Cleo kaya naman kanang kamay niya na lang ang kanyang nagagamit sa pag-atake at pagdepensa.

'Hindi ako maaaring matalo, hindi ako maaaring mamatay rito... kailangan ko pang hanapin ang anak ko...' nag-aalala si Cleo sa kanyang isip habang inaalala si Tiffanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa kanya.

Bilang bahagi ng teritoryo ng Ice Feather Sect ang Nine Ice Family, natural lang na alam ni Cleo at ng mga miyembro nito ang misteryosong pagkawasak ng Ice Feather Sect. Alam nila ang lubusang pagkawasak nito ngunit hindi nila makumpirma kung paano ito nawasak at kung sino ang nasa likod ng pagkawasak ng faction na ilang libong taon ng umiiral sa Sacred Dragon Kingdom.

Napabuntong hininga lang ang karamihan sa pagkawasak ng Ice Feather Sect at ang iba naman ay natuwa dahil sa nangyari. Maraming gulo ang idinulot ng Ice Feather Sect, ni Sheeha sa Nine Ice Family. At ngayon, iniisip nilang ito ang kabayaran sa kasamaan ginawa ng Ice Feather Sect sa pag-aalipin sa kanila habang wala pa si Cleo.

Pinutol na rin ng pamunuan ng Nine Ice Family ang kanilang koneksyon sa Ice Feather Sect. Lahat ng batang adventurers na miyembro ng Nine Ice Family na nasa Ice Feather Sect ay binawi na ng pamunuan ng Nine Ice Family. At sa hakbang nilang ito, labis silang nagpapasalamat dahil walang kasamahan nila ang nadamay sa pagkawala ng mga kabilang sa Ice Feather Sect.

Kung mayroon mang isang adventurer na mayroong ideya sa totoong nangyari sa Ice Feather Sect, iyon ay walang iba kung hindi si Cleo. Malakas ang hinala niya na mayroong koneksyon si Tiffanya sa pagkawasak ng Ice Feather Sect. Hindi niya alam kung paano ito nagawa ng kanyang anak, pero kung mayroon mang adventurer na may malakas na motibo para wasakin ang buong Ice Feather Sect, iyon ay walang iba kung hindi si Tiffanya.

Naalala niya pa ang hiling sa kanya ng kanyang anak habang umiiyak ito sa kanyang higaan. Gusto ng kanyang anak na ipapatay sina Hyon at Sheeha at wasakin ang buong Ice Feather Sect. Ang poot at galit ni Tiffanya kay Sheeha ay isa ng matibay na rason para wasakin ni Tiffanya ang buong Ice Feather Sect nang walang awa.

"Kamusta, Cleo Frois?" nanghahamak na tanong ni Kiara habang ikinakaway ang kanyang sandatang pamaypay. "Sinadya kong dalhin ka sa lugar na ito at isa kang hangal dahil sumunod ka at nilabanan mo ako rito. Ngayon, wala nang makatutulong sa'yo. HAHAHAHA."

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon