Chapter XVII: Holding Back
Matapos bitawan ni Finn Doria ang mga salitang ito, ang buong silid ay nabalot nang katahimikan. Huminto sa paghinga at halos huminto sa pagtibok ang puso ng grupo nina Lord Helbram.
Gayunman, agad rin silang nakabawi at mabilis na nagbago ang ekspresyon nina Lord Helbram at Justice Minister.
"Pero bakit...? Bakit hindi mo kami mapagbibigyan sa aming kahilingan?!" medyo may galit na tanong ni Lord Helbram. Hindi niya maintindihan kung bakit kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Sigurado ako na mayroon ka pang natatagong gayong uri ng gamot. Anong problema? Kaya namin na magbayad ng higit pa sa kayang ibayad ng Alchemist Association!"
Hindi pinansin ni Finn Doria ang galit ni Lord Helbram. Inaasahan niya na ito kaya hindi niya masisisi ang matanda. Sa ngayon, ang kaniyang nakikita kina Lord Helbram ay labis na kagustuhan na mapagaling ang Mahal na Hari. Gayunman, mayroong namumuong plano sa kaniyang isipan kaya naman kalmado niyang hinaharap ngayon si Lord Helbram at Justice Minister.
Totoo ang sinasabi niya na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan nina Lord Helbram na makakuha ng pambihirang Recovery Pill, at simple lang ang dahilan kung bakit, wala itong kwenta kung gagamitin sa isang Adventurer na matagal ng dumaranas sa isang matinding pinsala.
Kalmado pa rin ang ekspresyon ni Finn Doria habang nakatingin sa mata ni Lord Helbram. Hindi siya nagkaroon ng kahit anong takot sa aurang inilalabas ng matandang 5th Level Sky Rank Adventurer, nananatili pa rin siyang kalmado at walang bakas nang paghihirap ang makikita sa kaniyang mukha.
"Hindi mo ako naiintindihan, Lord Helbram. Sa tingin niyo ba ay interesado pa ako sa kayamanan o kabayarang maaaring maibigay sa akin ng Royal Clan?" iling-iling na sabi ni Finn Doria. "Ang rason kung bakit hindi ko maaaring pagbigyan ang inyong kahilingan ay dahil ayoko kayong umasa sa isang gamot na walang kakayahan na pagalingin ang Mahal na Hari. Walang bisa ito sa Mahal na Hari. Sabihin niyo nga sa akin, kailan natamo ng Mahal na Hari ang pinsalang ito at paano?"
Huminahon naman agad si Lord Helbram nang marinig niya ang tugon ni Finn Doria. Tama ang binata, walang bagay o kayamanan na makakaakit sa kasalukuyang si Finn Doria. Napakarami niyang Epic Armament kaya naman sinong maipapantay sa kaniya sa usaping kayamanan?
Habang iniisip muli ang mga sinabi ni Finn Doria, napagtanto niya na masyado na rin pa lang matagal noong matamo ng Mahal na hari ang kaniyang matinding pinsala. Mahigit labing walong taon na ang nakararaan noon ngunit hindi pa rin makakalimutan ni Lord Helbram ang mga pangyayari noong mga panahong iyon.
Hindi lang ang kanilang hari ang nagtamo ng matinding pinsala, maging ang isa sa pinakamalakas na Adventurer sa buong Sacred Dragon Kingdom ay namatay dahil sa kaganapang iyon. Hindi mapigilan ni Lord Helbram ang mapasulyap kay Sect Master Noah, hindi na siya nagulat nang makita niyang taimtim ang ekspresyon nito.
Huminga nang malalim si Lord Helbram at nagsimula nang magsalita, "Mahigit labing pitong taon na ang nakararaan mula nang matamo ng Mahal na Hari ang kaniyang matinding pinsala, at habang tumatagal at lumilipas ang panahon, ang kaniyang kalagayan ay mas lalo pang lumulubha."
Nagsalubong ang kilay ni Finn Doria, "Malapit nang magdalawang dekada? Mukhang hindi magiging madali ito... Pakiusap, ipagpatuloy niyo ang pagpapaliwanag."
Tumango si Lord Helbram at nagpatuloy, "Labing walong taon na ang nakararaan, isang Assassin mula sa Crimson Blood Kingdom ang nagtungo sa teritoryo ng Cloud Soaring Sect."
"Cloud Soaring Sect?" sinulyapan ni Finn Doria ang tahimik na si Sect Master Noah. "Bakit magtutungo ang isang assassin ng Crimson Blood Kingdom sa Faction ng ating kaharian?"
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 4: Fate]
FantasíaJune 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --