Chapter 1

3K 49 11
                                    

Pen's POV


"Noun, a very good coincidence, often leading to something really awesome!"


Walang nakasagot, tumingin ako sa taas. Ah, alam ko na!


"Serendipity!" Sigaw ko.


Tumunog 'yung bell, ibig sabihin tama ang sagot ko. Napatayo ako sa tuwa habang naglalakad papunta sa harap. Inabot sa'kin yung prize.


"Congratulations, Pen. Ikaw nanaman ang nanalo, luging-lugi na kami, sa'yo lahat napupunta ang prize!" Sambit ni mayor, ngumiti nalang ako habang tinatanggap ang prize na nakalagay sa puting envelope.


"Hoy kanina ka pa naglalaro ah!" Hiyaw ni Shae, napatingin siya sa dala ko.


"Apat na envelope?! Apat na beses kang nanalo?!" Gulat na tanong niya.


"Hanga ka nanaman no? Sanay na sanay na kaya ko sa mga palaro kaya nga mayaman ako tuwing piyesta!" Pagmamayabang ko.


"Oo na, ikaw na magaling! So, saan tayo ngayon? Jollibee? Mcdo? KFC?" Tanong niya habang wari'y nagniningning pa ang mata.


"Tusok tusok." Sagot ko, napa-pout siya.


"Tusok tusok? Mahigit isang libo din yan ah! Ang kuripot mo talaga!" Reklamo niya.


"Maglaro ka din para may pang-Jollibee ka! Saka iaabot ko 'to kay nanay, pang-gamot niya." Sambit ko. Inakbayan niya ko.


"Joke lang naman, oo na tusok tusok na!"


Pumunta na kami sa tusok tusok at kumain.


"Nga pala, Pen, naghahanap ka pa rin ng trabaho?" Tanong niya.


"Oo, bakit? May alam ka?"


"Kilala mo si Eli?" Kumunot ang noo ko.


"Ah yung sa movie ng Kathniel? Sino ba yun, si Eli saka Mia diba?" Tanong ko.

"Boba hindi! Si Elias Sullivan!" Sagot niya.


"Ha? Elias Saniban?"

"Elias Sullivan, 'yung sikat na model at law student ng Berkshire High! Yung sinasabi ko sayong super duper crush ko!" Hiyaw niya.


"So gusto mo magmodel ako?" Nagtatakang tanong ko. Binatukan niya ko.

"Teka lang patapusin mo kasi ako, Penelope!" Inis na sambit niya na para bang tutusukin niya na ko nung stick.


"Oh okay..." Maikling sagot ko sabay subo sa fishball.


"Naghahanap ng babysitter ang family niya, gusto ko nga sanang mag-apply kasi diba malay mo yun na yung chance ko na mapa-ibig ang isang Elias Sullivan. Eh kaso, SHS student ang gusto nila." Paliwanag niya.


"Bakit naman?"


"Ewan ko, basta yun ang hinahanap nila eh. By the way, mayaman ang pamilyang Sullivan. Sa katunayan sila ang may-ari ng Sullivan Furniture, isa sa pinakasuccessful na furniture company sa Pilipinas. So ano, gusto mo bang mag-apply?"


"Oo naman, Shae! Gustong-gusto!" Sagot ko.

Kinabukasan, sinamahan niya ako sa Sullivan Residence na nasa kabilang subdivision lang pala. Nag-doorbell kami, maya-maya lumabas ang isang lalaki, nasa mid 40's na yata.


Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon