Chapter 11

1.1K 33 3
                                    

Pen's POV

Habang binibilang ko 'yung hibla ng buhok nung nasa harap ko, bigla kong naalala si Eli. Yung amoy niya, yung tawa niya na bihira lang makita, yung patilya niya, yung pilikmata niya saka yung malambot----

"Miss Ariba!" Sigaw ni Ma'am Ed. Nanlaki ang mata ko.

"Po?"

"What is the difference between functions and relations?" Tanong niya.

Shocks, di ako nakinig. Kasalanan ni Eli 'to eh! Sinasakop niya utak ko, wala na tuloy akong maisip na iba kundi siya. Choz.

"Di mo alam?" Tanong niya. Umiling ako.

"Focus Miss Ariba, lumilipad nanaman ang isip mo."

"Sorry po, ma'am." Sambit ko. Pinaupo niya na ko.

Maya-maya, nag-ring na ang bell, hudyat na recess na.

"Pen, tara!" Aya ni Aud sa'kin.

"Ay teka Aud, may pupuntahan pa kasi ako."

"Saan nanaman? Lagi ka nalang may pinupuntahan tuwing break time!"

"Sa susunod nalang ako mageexplain, sige na Aud babye!" Sigaw ko habang naglalakad palayo. Nang makalayo, tumakbo na ko papunta sa kabilang building.

"Baby Eldrich!" Tawag ko sakanya habang tumatakbo palapit sakanya.

"How's your day?" Tanong ko.

"Fine, I have two new friends!" Pagmamayabang niya, napangiti naman ako.

Tinabihan ko siya sa bench at nagkwentuhan kami.

"Pen!" Tawag ng pamilyar na boses. Paglingon ko... si Aud!

"Aud?! B-Bat andito ka?"

"Sinundan kita. Teka..." Sagot niya sabay lakad papunta sa harap ni baby Eldrich. Tinitigan niya ito.

"Bat kasama mo 'yung kapatid ni Eli?" Nagtatakang tanong niya.

Fuck, lagot.

"Ah eh k-kaibigan kasi s-siya ng kapatid ko! Eh absent 'yung kapatid ko kaya humihingi ako ng update kung may assignments.." Palusot ko.

"You have a kapatid here ate Pen?" Tanong ni baby Eldrich. Liningon ko siya.

"Oo, baby! Diba si John? Yung friend mo!"

"Ah! So John is your little brother?" Tanong niya pa.

"Yes! He is!" Sagot ko sabay fake smile.

Sa tingin ko naman, na-convince si Aud kaya maya-maya, bumalik na kami sa room.

Nagkwentuhan kami ng mga kaibigan ko. Napatigil kaming lahat nang magsalita ang adviser namin.

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon