Pen's POV
After kong manalo sa inter-school singing competition, sunod-sunod na ang offer sa'kin sa malalaking competitions, some of them sa malalayong provinces pa. Tuwing kaya ng time ko, sumasalang ako sa mga 'yun. Dagdag ipon, saka ibang satisfaction ang nabibigay sa'kin ng pag-kanta.
Recently lang, inintroduce ako ni Cleo sa kaibigan ng kapatid niya na may-ari ng malaking bar dito sa Manila, yinaya nila ako na gig doon. Malaki raw ang kikitain ko kasi maraming dumadayo. Kinausap ko muna si Eli about dun, pumayag naman siya as long daw as di ako magpapa-late ng uwi. After kong mag-perform doon ay sunod-sunod na rin ang offers sa'kin sa iba't-ibang bars.
I decided to take gigs every Wednesdays at weekends lang. Maliban sa paggi-gig ko, sumasali ako sa mga competitions twice or thrice a month. Naging sobrang busy ako sa buong month ng January, gawa na rin ng mga school works.
"Pen," Tawag sa'kin ni Aud. Kasalukuyang nakapila si Mimi at Lele, sila ang nag-volunteer para bumili ng makakain namin.
Liningon ko si Aud. "Alam mo feeling ko nauubusan ka na ng time alaga mo." She said. "I mean, si baby Eldrich."
Bigla kong naalala, bibisitahin ko nga pala siya ngayon! Agad akong nag-paalam kay Aud at saka dumeretso sa building nila Eldrich.
After lunch, bumalik na kami sa klase. Hours passed, finally dismissal na and I had to go to the bar since Wednesday ngayon.
"Hindi ba masyado ka namang nagiging busy these past few weeks? After mong sumali sa mga contests, pupunta ka sa bar para mag-gig, and then gagawa ka ng school works tapos ib-babysit mo si Eldrich. I think you should at least, you know, bitawan mo kahit isa lang sa mga 'yan." Aud said, napaisip ako.
"But of course ha, don't drop your studies!" Pahabol niya, natawa naman ako.
I went straight to the bar. Nag-perform lang ako ng six songs. I wanted to sing more songs pero I had to go home, marami pa kong school works na gagawin.
While i'm on my way, naalala ko ang sinabi ni Aud kanina. She's right. Hindi ko kayang pag-sabayin lahat. I can't stop joining competitions, doon ako sumasaya eh. I can't drop that one. Isa pa, tuwing nananalo ako, malaking cash price ang naiuuwi ko. I am thinking of dropping either yung mga gigs ko, or yung pagiging babysitter ko.
Nang makauwi ako ay sinalubong ako ni Eli, he's wearing a plain white shirt and shorts.
"Finally," He whispered as he hugged me.
"Get some sleep. Ilang oras lang tulog mo kagabi!" I said. Napuyat kasi siya kagabi dahil sa mga case digests at studies nila.
"I missed you," Bulong niya, caressing my hair. I smiled.
Pagpasok ko ay nag-prepare na ako ng dinner at pinakain si Eldrich.
"Ate Pen, why are you always missing?" Tanong niya. Napa-hinga ako ng malalim.
"Sorry baby, I just had to do some things." I reasoned out.
BINABASA MO ANG
Serendipity [ Eli and Pen ]
Teen FictionSullivan Series #1 He's Elias Sullivan, a famous model and an outstanding law student. While she's Penelope Ariba, the babysitter of Elias' baby brother named Eldrich. Everything's going fine until a rumor spreads among the students of the Berkshire...